Kapuso Shows
Now Airing
Unang Hirit
Paolo Contis, outrageously funny to the max!
Aug 11, 2009
Si Paolo Contis ay isa sa mga pinaka-busy na actors ngayon. With a late night weekly show, a new prime time series and an upcoming sitcom, mukhang tuloy-tuloy na ang pag-usad ng showbiz career ng young actor na ito. Text by Erick Mataverde. Interview by Connie M. Tungul. Photos by Jason John S. Lim. Nang makausap ng iGMA si Paolo Contis sa nakaraang pictorial ng Darna, tuwang-tuwa niyang ibinalita din sa amin kung gaano siya nag-eenjoy sa kanyang isa pang show na Outrageous and Courageous (OC) to the Max. stars"Maganda 'yung team [ng OC to the Max] kasi si Direk Dom(inic Zapata) din at ako, tapos nandun yung writer na kaibigan naming 'twing nagte-taping. Minsan ang [nakalagay] sa scipt nun, open-close parenthesis, 'Bahala na si Paolo at si Direk Dom', kasi binabago din namin eh!" ang pahayag ni Paolo. Dagdag pa niya na dahil sa show ay kusa niyang binago ang kanyang hairstyle: "Kaya ako naging kalbo, dahil kinalbo ko ‘yung sarili ko during the show eh!" Alam naman natin na si Direk Dom ay involved ngayon sa bagong prime time show na Darna that premiered yesterday kaya walang kahirap-hirap si Paolo sa pag-adjust niya sa iba't ibang roles niya. Proud si Paolo sa spontaneity ng show dahil doon siya nagkakaroon ng pagkakataong mag-express ng kanyang totoong outrageous na personality. "Natural! At unlike the other Bilib Ka Ba Nights [shows], kami nasa labas, dealing with regular people, pahiyaan na lang ng sarili," kuwento niya. "Naka-boxers lang [ako], topless – kailangan eh, gusto kasi nila matindi ito.” "At the same time, kasi napro-promote mo na rin ‘yung show, kasi nakikita ng tao na nagte-taping ka. Kung gusto nila sumali sa eksena, pinapasali namin, pinapasayaw namin. Kung anu-anong kalokohan ang ginagawa namin." Although mukhang Paolo has his hands full, he admits na nakakahanap pa rin siya ng spare time, whenever he needs it. "Meroon naman akong free sked, kasi maganda ang pagkaka-ayos ng taping ng Darna, since sa isang location ka lang madalas. It’s not gonna take four or five days of my week, tapos may OC ako, which finishes at three pm, tapos pack-up na din kami," paliwanag niya. Kaya naman inamin niya na nakakahanap pa rin siyang time para sa kanyang girlfriend na si Lian Paz ng EB Babes. "Very happy, satisfied, happy, overall, masaya – siyempre hindi naman perfect. Worth all the pain or whatever, it's worth it!" sagot ni Paolo nang tanungin namin ang estado ng kanilang relationship. Pagusapan ang pagiging OC ni Paolo Contis! Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!
 
 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter