Kapuso Shows
Now Airing
Eat Bulaga
 
Pare & Pare Episode Guides

Isang bonggang boy-band version ng ‘ONLY GIRL’ ni Rihanna ang kakantahin nila para sa mga humahabol sa pagiging Chief Justice nominee sa hottest reality talent search, ang “BATTLE FOR THE BIG CHIEF JUSTICE BREAK!”

Maki-tawa at maki-chika kasama sina PARENG BITOY at PARENG OGIE sa “PARE & PARE” ngayong Linggo ng gabi sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng ‘Pinoy Adventures’.

Ang hunky Kapuso Heartthrob na si DINGDONG DANTES naman ang uupo sa Pare & Pare hot seat. Pero ang kanyang makakaharap ay dalawang kakaibang lady superheroes – si FISHABELLE at si BYERNA. Ano ang kanilang mga maanghang na tanong kay Dingdong tungkol sa love, leading ladies at daga? 

Alamin ngayong Linggo! 

May bagong pauso si Pareng Ogie and Pareng Bitoy! Ito ay ang KUHA MO. Tiyak, katatawanan ang resulta pag pinakita nina nila ang mga kuha nila ng mga tindahan na kakaiba ang pangalan.

Panoorin ngayong Linggo! 

Isang Senador ng bayan ang kanilang iimbestigahan.siya nga ba ay mayaman, may paninidigan at mabilis magsalita? No comment kaya siya sa mga maintrigang tanong tungkol kay Heart Evangelista at Kris Aquino? Sino ang best president sa kanya- si Marcos o Aquino? Alamin ang sagot ni SENATOR CHIZ ESCUDERO.

Jillian Ward at Solenn Heussaff, bibisita sa Pare & Pare!
 
Ngayong Linggo (June 24), samahan sina PARENG OGIE at PARENG BITOY sa katatawanan, kuwentuhan at kantahan sa kinagigiliwang musical-talk-show ng Kapuso Network, ang PARE & PARE!
 

Ngayong Linggo ng gabi, samahan sina PARENG BITOY at PARENG OGIE sa katatawanan, kuwentuhan at kantahan sa PARE & PARE!
 
Alamin kung ano ang USO NGAYONG LINGGO: totoo bang may bagong show sa Kapuso network ngayong Father’s day? Sino ang mga celebrities na makakasali sa 100% funny version ng magkumpare sa kontrobersyal na advertisement ng isang fashion brand? Tandaan, ang mainis, pangit.
 

Alamin kung ano ang nakakatuwa sa mga USO NGAYONG LINGGO: Ano ang tunay na nangyari sa huling araw ng primetime teleserye na “My Beloved?” Saan pa ba nakita ang heavenly phenomenon na transit of Venus? Kilalanin ang mga bibong bata na hindi nakasama sa finals ng Eat Bulaga Pinoy Henyo. Abangan din ang behind-the-scenes video na nakuha nang matapos ang laban nina Bradley at Pacman.
 
Ito at madami pang iba ngayon gabi sa Pare and Pare.

Katatawanan, kuwentuhan at kantahan, yan ang hatid nina PARENG BITOY at PARENG OGIE ngayong Linggo ng gabi sa PARE & PARE!
 
Ang mga pinag-uusapan at uso ngayong  Linggo ang una nilang ihahain sa inyo, tulad ng bagong video’t ebidensiya ni Mon Tulfo at ang mga senador na nagtrending dahil sa kanilang CJ Corona impeachment speech. Ipapalabas din ang never- before-seen at supermega exclusive video ng monster performance ng dalawang idol singers na sina Jessica Sanchienes at Jennifer Holli-gay!

Tatlong bigating guests, bibisita sa musical talk show nina Pareng Ogie at Pareng Bitoy
 
Ngayong Linggo (May 27), isang oras ng katuwaan at kasiyahan ang hatid nina Pareng Ogie at Pareng Bitoy sa pinakabagong Kapuso comedy-musical talk show, ang PARE & PARE!
 

Related Content
Feeds
facebook
 
twitter