Kapuso Shows
Now Airing
Unang Hirit
Pepito Manaloto Episode Guides

Guests: Mitch Valdez
             Odette Khan
             Joshua Pineda
 
Sa pagwawakas ng Pepito Manaloto, may buhay na magpapaalam…
 
Masusubok ang pagmamahalan nina Pepito at Elsa. Dahil sa hindi pagkakaroon ng oras ni Pepito para sa kanyang pamilya ay magtatalo silang mag-asawa na magiging dahilan para maisip nilang makabubuting maghiwalay sila pansamantala.
 
Tuluyan bang maghihiwalay sina Pepito at Elsa? Ano ang mangyayari kina Chito at Clarissa kung maghihiwalay ang mag-asawa? Ano ang magiging katapusan ng buhay milyonaryo ni Pepito Manaloto?
 
Abangan sa huling lingo ng Pepito Manaloto.

Guests: Pancho Magno
             Bella Padilla
             BMEG Basketball Team
 
Makikilala ni Pepito si Larry na magaling maglaro ng basketball at ang kababata nitong si Chinggay.
 
Isang business deal ang kailangang i-close ni Tommy at part ng deal ay kailangan talunin nina Pepito ang basketball team ng kausap nilang si Mr. Cinco. Ito ang dahilan kung bakit bubuo ng basketball team si Pepito at kukunin niya si Larry para maglaro rito.

Singapore Part 2

GUEST:  Mikey Bustos as Boy Pick Up and Kevin Santos as Rey
Continuation ng ending ng Part 1 kung saan nagising sina Pepito at Patrick na nasa loob sila ng isang hotel na hindi alam kung paano sila napunta dun.
 Ang buong episode ay tungkol sa kung ano ang totoong nangyari kina Pepito at naiwan sila sa Singapore.  

Kailangan nila makauwi dahil manganganak na si Maria pero ang problema ay nawawala ang passport nina Pepito.
 
Ano nga kaya ang nangyari kina Pepito?  Makuha pa kaya nila ang nawawalang passport para sila ay makauwi? Makauwi kaya si Patrick in time sa panganganak ni Maria?  

Singapore Part 1

GUEST:  Mikey Bustos as Boy Pick Up

Pupunta sina Pepito at ang buong pamilya sa Singapore para magbakasyon. Mag-isang pupuntahan ni Clarissa ang iba't-ibang tourist spots sa Singapore sa tulong ni Boy Pick Up. Aakalain nina Pepito na nawawala si Clarissa.

Matagpuan kaya nina Pepito si Clarissa in time? Mapupuntahan ba ni Clarissa ang lahat ng tourist spots na gusto niya?
 

Guest:  Midlife  Crisis  Band

Tattoo

Magpapa - tattoo si  Chito kahit ayaw ni Elsa . Pepito supports  Chito dahil pati pala  siya ay magpapa - tattoo rin. Paano tatangapin ni Elsa ang pagpapalagay ng tattoo ng mag-ama?  

Abangan sa Pepito Manaloto, Pebrero 19, 2012, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Episode 97

Sasama sa field trip si Clarissa pero dahil first time niyang mawalay sa piling ng mga magulang ay palihim na susundan nina Pepito at Elsa ang coaster kung saan sakay si Clarissa. 
 
Okay na sana ang naisip na idea ni Pepito na sundan si Clarissa pero may isang problema --- mali ang nasundan nilang coaster. 
 
Saan makakarating sina Pepito? Malaman kaya niya just in time na mali ang nasundan nilang coaster? 
 
 

Episode 96

Birthday ni Pepito! One year older na naman siya pero imbes na maging masaya ay nakaramdam ng insecurity sa edad si Pepito --- feeling niya tumatanda na siya kaya he tries to do the opposite. Magpapabata si Pepito! Tommy explains to him na nagmi-midlife crisis ito kaya ganun ang nararamdaman niya.

On the other hand, Chito meets an older woman na magugustuhan niya --- si Mel (played by guest Sam Pinto). To try to impress Mel, magpapatanda naman si Chito kahit bata pa talaga siya.

Episode 95

Mapapagalitan ng parents niya si Erika na magiging dahilan para siya ay ma-grounded at hindi makalabas ng bahay. Pero dahil sa kagustuhang may makausap na kaibigan ay sandaling pumunta si Erika kina Chito. Ang problema ay hindi na nito nagawang makalabas agad ng kuwarto ni Chito kaya napilitan silang magtago hanggang sa abutin na sila hanggang kinabukasan.

Ano ang magiging reaksyon nina Pepito at Elsa at ng parents ni Erika kapag nalaman nilang magkatabing natulog ang kanilang mga anak?

Episode 94: Garage Sale

Habang nagliligpit ng christmas decor ay mare-realize nina Pepito na sobrang dami na pala ng gamit nila. Dahil dito ay nag-decide silang mag-garage sale. 
 
During the garage sale ay magpa-flashback sa kanila ang mga good memories na konektado sa mga item na binebenta nila—may sentimental value pala ang lahat ng ito sa kanilang buhay.
 
Finally, they decide na huwag nang ibenta ang mga items pero huli na ang lahat dahil may pumakyaw na ng mga gamit nila. 
 
Maibabalik pa kaya nina Pepito ang mga nawala nilang gamit? O tuluyan na itong magiging bahagi na lang ng kanilang nakaraan?

Episode 93: New Year Musical
 
Kailangang resolbahin nina Pepito ang ilang problema sa Manaloto household...una, ang muling pagkakaroon ng tampuhan ng mga ina nina Pepito at Elsa na sina Trining at Ester. Pangalawa, ang pagkuha ng bagong kasambahay na kapalit ni Maria na asawa na ni Patrick, ang tampuhan ng mag-best friend na si Chito at Erika at ang problema sa opisina na kailangan ayusin agad nina Maricar at Tommy bago matapos ang taon. Dahil ayaw ni Clarissa, ang bunsong anak nila Pepito, ng magulo, magiging isang bonggang musical production numbers ay tingin nya sa mga problemang hinaharap. Isang special New Year episode na mala-Glee ang presentation. 
 
Maging happy kaya ang New Year ng pamilya ni Pepito? O tatawid ba ang mga problema hanggang sa susunod na taon?
  

Related Content
Feeds
facebook
 
twitter