Sunud-sunod ang mga naging projects ni Sheena Halili ever since she found her niche sa showbiz. Magmula Marimar at hanggang ngayon, gabi-gabi siyang napapanood sa mga top-rating prime time shows ng GMA. There was even a time na even on weekends ay makikita pa rin si Sheena sa telebisyon!
"Sa Marimar ako nag-start [mapansin], bestfriend ako ni Katrina [Halili] dun. Doon sa Ako si Kim Sam Soon, kami nila Ate Uge (Eugene Domingo) dun [ ang magkasama]. Tapos sa LaLola, dun naging bestfriend ako ulit ng kontrabida, si Ate Angelika [dela Cruz]. Tapos sa Zorro naman, isa ako sa mga kaibigan ni Antonio at Bellas. Ngayon sa
Rosalinda, first time kong maging bestfriend ng bida," ang tuluy-tuloy na kwento ng StarStruck batch 1 Avenger.
Talaga namang hindi maawat ito si Sheena dahil pati
Pinoy Records, regular segment host na siya!
"Ang sarap ng feeling--ang bait kasi sa akin nung group na 'yun eh, 'yung sa Pinoy Records. Sobrang swerte ko na sila 'yung staff ko. Sobrang ang sarap magtrabaho every week. At saka everyday ako nakaka-experience nung iba’t ibang klase[ng] challenges na hindi ko naman gagawin sa ordinary na araw di ba?" paliwanag ni Sheena sa amin.
Talaga namang up to any challenge or role itong si Sheena--mapa-comedy, drama or even musical pa! Handa na rin ba siyang makipag-chat sa kanyang mga online fans all over the world? Malalaman natin ‘yan today, August 13,! From 2 .m. to 4 p.m., Sheena will be online via iGMA Live Chat para patawanin, pakiligin at pahangain ang mga chatters ng iGMA!
Oct 19, 2009
Ang basketball player at Kapuso host ay namahagi ng relief goods sa 200 families sa Sta. Rosa, Laguna



