Kapuso Shows
Now Airing
Unang Hirit
Magsasama na sina Sheena Halili at Chris Tiu
Aug 15, 2009
Nung isang araw, sa kanyang kauna-unahang live chat niya sa iGMA.tv, may isang mainit na tanong ang sinagot ni Sheena Halili. Text by Erick Mataverde. Interview by Loretta G. Ramirez. Photo by Mitch S. Mauricio. Bakit lately nali-link si Sheena Halili sa basketball heartthrob and Pinoy Records host na si Chris Tiu? stars"Hindi, hindi po ako nali-link kay Chris Tiu!" ang agarang sinagot naman niya sa amin. "Kaya lang po na a-ano ‘yung Chris Tiu-Sheena kasi magpa-partner kami sa Pinoy Records. Mag-partner kami bilang host. First day ko [lang] siyang makita kahapon (August 12) sa taping ng Pinoy Records. "Kasi lagi akong sa location, sila lagi lang silang sa studio. So parang good news sa akin na magiging studio din ako. Pero na-sad din ako kasi hindi na rin ako magse-Celebrity Face-Off, hindi na ako maga-ano [sa location], dun na lang po yata ako sa studio." Pinaliwanag pa ni Sheena na ang dahilan ay may panibagong segment sila ni Chris na maihahambing sa isang talent show. "First time pa lang na mage-ere kami sa Sabado na ganun eh. Ang pangalan ng segment kung saan kami magho-host ni Chris Tiu, [ay] 'yung 'Pinoy Extreme Talent', so para siyang 'Britain's Got Talent'." kuwento niya. "Kahit anong talent puwede mong ipakita dun. Contest siya at mananalo sila ng P50,000.00 every week." Pero kung talagang walang ugnayan sila ni Chris, ano naman ang ie-expect ng tao sa bago nilang hosting tandem? "Kinakabahan ako kasi siyempre kasi edukado siyang tao, alam ko na malaki ang influence ng pamilya niya," tugon ni Sheena. "'Tsaka ‘yung background niya na dahil ano nga siya, sa basketball. Kinakabahan ako nung una, pero nung nakasama ko naman na siya, willing naman siyang makipagbatuhan [ng lines]. Kaya ako nilagay doon – parang ako ang magiging maingay doon, tapos siya, macho siya magsalita so ako, kinakausap ko siya, 'Puwede ko bang sabihin ganito, ganyan, ganun?'" Though we still are in anticipation as to whether Chris will add sparkle to Sheena's eyes, paliwanag pa rin niya that she will try to keep everything on a professional level: "Okey naman kami. First day pa lang 'to. So baka kapagka medyo tumagal–tagal pa, 'yung pagbabatuhan namin ng mga speils eh, sana mas maging natural. Co-host ko lang po siya, wala pong ano 'yun. Siyempre ayaw ko din ng ilangan kahit sa set nga eh, work is work." Kaya abangan itong darating na Sabado ang Pinoy Records at alamin kung anong talagang klaseng chemistry mayroon sila Sheena at Chris. Pagusapan ang panibagong segment ni Sheena sa Pinoy Records. Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here! Kamustahin si Sheena via Fanatxt! Text SHEENA [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS SHEENA and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
 
 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter