
Idinagdag din niya na tiyak na magugustuhan natin ang mga additional segments nila kung saan sari-saring local trivias ang ipapalabas nila. “Nilagyan namin ng mga interesting local ingredients—kunwari hindi alam ng tao siguro na si Ogie Alcasid ay Herminio ang panagalan, then ang pangalan ng nanay niya ay Herminia, ang tatay niya ay Herminio, ang yaya niya ay Herminia rin, so mga ganung bagay,” ang paliwanag ng batikang komedyante. Dahil sa ibinigay niyang example, hindi tuloy namin maiwasang tanungin kung meron din ba siyang mga quirks sa buhay niya. “Hindi ba ang meaning ng quirky parang weird? Ako kasi, ang pampatulog ko ano eh, trabaho, at hindi ako nade-depress or nahihirapan. Na-eenjoy ko, kaya nakangiti ako kung matulog, eh. Napagsasabay-sabay ko 'yan eh, nagpe-painting ako, nagsusulat ng script, at nanonood ng TV—nagagawa ko 'yun sabay-sabay,” Talaga namang walang katulad ang isang Joey de Leon, kaya tiyak na aabangan ang pagbubukas ng Joey’s Quirky World! Huwag palampasin ang pilot episode nito sa March 1, Linggo, bago mag-SOP dito lamang sa GMA. Talk about Joey’s Quirky World sa iGMA forums.



