Balik Manila na ang Tween Hearts barkada—pero bakit parang ang pasalubong na nauwi nila ay panay problema?
Belinda (Bea Binene) is proud sa desisyon ni Jacob (Jake Vargas) to stick by her—kahit na ayaw na ng manager nitong si Miss Bunny (guest star, Bubbles Paraiso) sa kanya. Pero nang si Lucy (Rhen Escaño) na ang umeksena, mukhang mawawalan na nga ng puwesto si Belinda sa tabi ng kanyang boyfriend!
At sa pagtanggap naman ng barkada ng balitang sumakabilang-buhay na si Kevin, magtutulong-tulong ang mga ito para pasayahin ang taong pinaka-affected ng pangyayari: si Bambi (Barbie Forteza). But when Bambi discovers na ang pasimuno ng plan to make her smile is none other than Josh (Joshua Dionisio), bakit parang lalo pang mawawala ang smile niya?
To counter-balance the bad news, Rick (Derrick Monasterio) and Heidi (Kylie Padilla) finally admit na nagkabalikan na sila! Habang sina Aya (Joyce Ching) at Chris (Kristoffer Martin) naman ay makakahanap na ng solution sa college problem ng huli!
Episode 73
Balik na sa pagiging sweet sina Bambi (Barbie Forteza) at Josh (Joshua Dionisio)! Pero dahil sa pang-iiwan na ginawa nila kay Kevin (guest star, Kiko Estrada) sa prom, todo bawi naman si Bambi ngayon--not knowing na may pagtingin na sa kanya ang kinakapatid, at alam ito ni Josh!
Pagkatapos naman ng duet nina Jacob (Jake Vargas) at Mira (guest star, Julie Anne San Jose), mago-offer ang manager ng huli na kunin bilang recording artist si Jacob! Pero may catch: ipa-partner siya bilang ka-love-team ni Mira! Tatanggapin ba ni Jacob ang offer?
Kokoronahan na ang Prom King and Queen this Sunday sa Tween Hearts!
Balik na sa pagiging sweet sina Bambi (Barbie Forteza) at Josh (Joshua Dionisio)! Pero dahil sa pang-iiwan na ginawa nila kay Kevin (guest star, Kiko Estrada) sa prom, todo bawi naman si Bambi ngayon--not knowing na may pagtingin na sa kanya ang kinakapatid, at alam ito ni Josh!
Pagkatapos naman ng duet nina Jacob (Jake Vargas) at Mira (guest star, Julie Anne San Jose), mago-offer ang manager ng huli na kunin bilang recording artist si Jacob! Pero may catch: ipa-partner siya bilang ka-love-team ni Mira! Tatanggapin ba ni Jacob ang offer?
Episode 72
Is prom about to be ruined for everyone?
Episode 71
Dahil sa napanood na video ni Kevin ay mag-uusisa si Josh sa totoong lagay ng binata. Wala nang choice si Kevin kundi aminin ang totoo. Ipapaliwanag niya ang sakit kay Josh, at sasabihing may taning na ang buhay niya. Ngunit makikiusap rin si Kevin na huwag ipagsabi ni Josh sa iba ang karamdaman niya, dahil ayaw niyang kaawaan siya, lalo na ni Bambi.
Masamang-masama naman ang loob ni Heidi sa natuklasan niyang pagkakagusto ni Rick kay Belinda. Pero kakausapin siya ni Jacob kaya mas maiintindihan ni Heidi ang mga pangyayari. Patatawarin agad ni Heidi si Belinda. Kaya lang ay labis na nasaktan si Heidi kaya di niya agad matatanggap si Rick.
Pagkakatiwalaan ni Josh si Kevin na wala nga itong nararamdaman para kay Bambi, ngunit masisira ang lahat ng ito nang matuklasan niya ang video confession ng binata na naglalaman ng pagtatangi ng huli para kay Bambi. Hindi magugustuhan ni Josh ang kanyang napanood at haharapin si Kevin.
Magpapaliwanag si Kevin ngunit hindi na ito papakinggan ni Josh dahil pakiramdam niya ay tinraydor siya ng una. Sa gitna ng harapan ng dalawa ay biglang mahihimatay si Kevin—pero agad din itong mahihimasmasan. Habang itinatago ni Kevin ang karamadman, mapapanood naman ng buo ni Josh ang video confession ni Kevin at malalamang may taning na pala ang buhay ng binata.
January 29, 2012
Matapos halikan ni Chris si Miss Annabelle, magde-decide ang teacher na lumayo na sa binata, dahil iba ang iniisip nito sa kabaitang pinakikita niya. Pero it’s already too late for Aya na nakita ang nangyari!
Miss Annabelle talks to Aya para pag-isipan nito kung bakit nabaling sa ibang babae ang attention ng ex-boyfriend. Pero paano makikipag-ayos si Aya kung si Chris naman ang umiiwas sa kanya? Heidi swoops in to save the romance by giving Aya a makeover—with the help of the returning Eunice!
January 22 , 2012
Heidi is back! Kaya naman sina Belinda at Rick, biglang mapapatago ng secret!
Makikiusap si Rick kay Belinda na ‘wag muna sabihin kina Jacob at Heidi ang tungkol sa panliligaw nito sa kanya. Pero magagawa ba ni Belinda na maglihim sa kanyang boyfriend? Bambi advices her sister na magtapat na kay Jacob, na siya namang gagawin nito. Hindi man ipapakita ni Jacob na affected siya, magugulat naman si Belinda sa magiging reaction ni Jacob. Dahil dadalhin siya nito sa isang very expensive na date!
Dadalhin ni Bambi si Kevin sa isang clinic matapos itong matumba at mawalan ng malay sa hindi pa alam na dahilan. Kevin and Bambi made a pact na huwag munang ipagsabi ang tungkol sa nangyari. Dahil sa curiosity ay makikita ni Bambi ang isang listahan ng mga bagay na gustong gawin ni Kevin ngayong bagong taon. Magkasama nilang gagawin ang mga ito at makikilala pa ng mas malalim ni Bambi si Kevin.
Jacob and Belinda’s relationship is on the rocks pero pinangako nilang hindi agad susuko at susubukang ibalik ang lahat sa dati. Maling balita naman ang makakarating kay Rick. Aakalain niya na break na ang dalawa and he will take this opportunity para ligawan si Belinda!
Aya is depressed sa break up nila ni Chris. Sa tulong ng barakada ay papalakasin nila ang loob ni Aya to save their relationship. On the other hand, Chris finds comfort kay Ms. Anabelle. In his vulnerability, Chris misinterprets the good deeds his teacher does.
Nakipaghiwalay si Chris kay Ana dahil napuno na siya sa ugali ng dalaga. Uso ang awayan sa bagong taon at pag-aawayan ni Bel at Jacob si Rick.
Hahabulin naman ni Kevin si Bambi. Sa kakatakbo, sumakit ang dibdib. Dadalhin siya ni Bambi sa clinic at hihilingin ni Kevin na huwag na lang sabihin ni Bambi sa parents niya na hinimatay siya. Papayag naman si Bambi.




