Showbiz Central Episode Guides
Matapos ang emosyonal na pag-amin ni Daniel Matsunaga, Heart Evangelista, handa nang harapin ang mga isyu, live na live!
Ogie Alcasid at Michael V, haharap sa isang matinding test of friendship, live !
Alamin ang tunay na estado ng lovelife ni Kylie Padilla sa kanyang live na pagsalang sa isang diretsahang tanungan! Makakasama rin niya ang kapuso hunk na si Rocco Nacino sa mapapaamin tungkol sa buhay pag-ibig.
Lahat ng ito at madami pang iba! Ngayon lang sa Showbiz Central.
Leading the anniversary presentation is the special birthday celebration of SC's ravishing host, Jennylyn Mercado, who will share the most intimate details of her life and her phenomenal journey to stardom. Big revelations on Jennylyn's career and lovelife will be exposed as her showbiz beau Luis Manzano grants a rare and live appearance on the program.
Critically acclaimed actress-TV host Jean Garcia, babalikan ang malalaking hamon na pinagdaanan sa pagsalang niya sa The Story of Your Life! LIVE!
Marian Rivera, makakapanayam ni John Sweet Lapus tungkol sa nakalipas na limang taon, mula sa unang paglantad niya bilang Marimar hanggang sa iba't ibang pagganap kasabay ng mga hamong hinarap niya!
Feisty controversial showbiz mom, uupo sa espesyal na edisyon ng Don't Lie To Me!
Aljur Abrenica, may isang naiibang pagbabalik-tanaw sa kanyang showbiz years kasabayan ng Showbiz Central! Anong mga rebelasyon ang aaminin ng Kapuso actor? Abangan!
Eksklusibong panayam kay Manny Pacquiao bago lumipad papuntang US at mga eksklusibong tagpo sa send-off party para sa pambansang kamao, ihahatid! Exclusive!
Ito at madami pang iba dito lang sa Showbiz Central.
Marian Rivera, buntis? Dingdong Dantes, diretsahang sinagot ang mga isyu bago umalis ng bansa, exclusive!
Isabelle Daza, umamin tungkol sa nababalitang alitan nila ng inang si Gloria Diaz!
Ara Mina tuloy pa rin daw ang demanda laban sa nakababatang kapatid na si Cristine! Cristine nagpahayag na nga ba ng intensyong makipag-ayos sa nasaktan niyang ate?
Madami pang ibang balita para sa inyo dito lang sa Showbiz Central!
Isabel Oli, pinagnakawan diumano ng sariling kasambahay! Ang buong detalye mula mismo sa kapuso actress! LIVE!
Richard Gutierrez, sumagot sa balitang nag-overspeeding umano sa pagmamaneho! Ang panayam ng Showbiz Central kay richard ilang oras lamang matapos kumalat sa twitter ang balitang paglabag daw niya sa traffic rules, eksklusibo!
Marian Rivera nagpaka-daring sa isang bagong music video!
Ara Mina at Cristine Reyes, ano ang buong kwento ng alitang magkapatid na nauwi pa sa demandahan?
Ito at madami pang iba dito lang sa Showbiz Central.
Mga eksklusibong kuwento at kaganapan sa showbiz ang tinutukan at binantayan, detalyadong ihahatid ng nag-iisang official intriga capital of the philippines- Showbiz Central!
Veteran and multi-awarded actor Philip Salvador ilalahad na ang pinakamalaking dagok sa kanyang career at personal na buhay! Ang kuwento ng kanyang muling pagbangon, ide-detalye sa the story of your life!
Fabio Ide, hindi na nga ba single? Si gossip girl rufa mae, na kaya ang makakapagpaamin sa kanya? Ang makulit nilang paghaharap, abangan!
Muling paghaharap at pag-uusap for the first time sa korte ng mag-asawang Annalyn at Jose Manalo, sa demandahan na tuluyang nauwi!
Ito at madami pang iba, dito lang sa Showbiz Central.
Mga eksklusibong kuwento at kaganapan sa showbiz ang tinutukan at binantayan. Detalyadong ihahatid ng nag-iisang official intriga capital of the philippines- Showbiz Central!
Isang pagninilay-nilay. Jennylyn Mercado, sisilipin ang mas malalim na pagbabago ni boxing champ Manny Pacquiao sa isang one-on-one interview exclusive!
Isang paglalakbay. Abangan ang pagtutok sa pinakahihintay na bakasyon ng mga stars sa loob at labas ng bansa ngayong semana santa.
Isang pagbibigay. Marian Rivera sinorpresa ang batang fan na may malubhang karamdaman.
Ito at madami pang iba dito lang sa Showbiz Central!
Hard hitting news, hard core showbiz!
Isang madamdaming pagtatapos! Binatang ama na nalulong sa droga, high school graduate na! Ang kuwento ng kanyang pagbangon, live na live sa the story of your life!
Sexbomb Che-Che, nagtapos nang cum laude! Ang eksklusibong detalye at eksena sa mismong araw ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo,ihahatid!
Exclusive footage and clips sa katatapos lang na concert ni Rufa Mae Quinto, sisilipin! Mga intrigang nasagap sa nasabing gabi ni Rufa Mae, iisa-isahin!
Celebrity Chef Boy Logro, totodo na nga ba sa pagpasok sa showbiz? At gaano katotoo na sa unang non-cooking show niya, si Marian Rivera ang makakasama niya!
Walang patid na init, mga intrigang humahagupit! Live and free for all na ihahatid ng nag-iisang official intriga capital of the Philippines!
Celebrity Chef Boy Logro, haharapin naman ang challenge ng dance floor! Ang eksklusibong pagsilip sa Party Pilipinas experience na ito ng pinaka-paboritong chef sa telebisyon, ihahatid!
Exclusive! Aljur Abrenica, ipasisilip ang pinaghirapan niyang ipundar na Villa Alfonso! Alamin din kung sino ang special guest niya sa kanyang much-anticipated birthday bash sa Batangas!
Ito and madami pang iba dito lang sa Showbiz Central!
Walang patid na init, mga intrigang humahagupit, live and free for all na ihahatid ng nag-iisang official intriga capital of the Philippines—Showbiz Central!
Sikat na Kapuso aktres, hindi raw tinatantanan ng isang stalker? Ang detalye ng pangangamba niya para sa kanyang kaligtasan, ihahatid! Exclusive!
Lola ni Charice Pempengco may buwelta sa kaliwa’t kanang pang-iintriga sa nagbabalik bansa na international singing sensation, exclusive!
Untold stories sa pinagmulan ng American Idol favorite na si Jessica Sanchez, mula mismo sa kanyang lolo na natuntun namin all the way from Bataan!
Kapuso actress Gwen Zamora, may eksklusibong mga rebelasyon sa naging karanasan niya sa Indonesia!
Dingdong Dantes, na-on the-spot ng isang beauty pageant contestant sa Davao! Ang buong detalye, abangan! Exclusive!
Richard Gutierrez, sasabak sa triathlon! Ang latest na kaganapan at eksklusibong silip sa pagsuong ng Kapuso actor sa Xterra off-road triathlon series, ihahatid all the way from Cebu! Buzzer beater fresh!