Kapuso Shows
Now Airing
Unang Hirit
Mga sweet revelations ni John Lapus
Aug 28, 2009
Kasing kulay ng pagkatao ni John Lapus ang mga pangyayari sa kanyang mga shows at sa kanyang career in general. Find out more kung anu-ano pa ang mga bagay na dapat abangan sa sweetest Kapuso star natin. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio. stars"Ruben (Dennis Trillo) decided to go back to the province in Batangas, babalik ako sa beauty parlor ko. Tapos nandun pa rin ang Ruben's Tuba business, but mas nagko-concentrate siya sa tubaan mismo," ang kuwento ni John "Sweet" Lapus sa iGMA kamakailan sa set ng Adik Sa 'Yo. Dahil dito, tinanong namin kung ano talaga ang feelings ni July, his character, sa mga pagbabagong nangyayari sa istorya. "'Yung character naman ni July, kahit ano, basta kasama niya si Ruben. Si July dito is siya 'yung character na sa sobrang pagmamahal niya kay Ruben, he's willing to let go of Ruben as long as Ruben is happy," paliwanag ni Sweet. "Typical bakla – na 'yung mga mahal namin na lalaki, okey lang namin na i-let go, basta nakikita lang namin at kasama siya [okey na]. "Alam naman ni July na Ruben sees him as a best friend, sa first part na napanood ng mga tao, talagang ambisyosa si July, pero ngayon hindi na." And as the show moves into its final two weeks, anu-ano pa ba talaga ang aabangan natin sa istorya nito? "Something to look forward to is the on-off relationship ni Ruben at ni Karen (Jennica Garcia) and, of course, Lisa, played by Chynna Ortaleza, who would be a very big mystery at mangugulo talaga sa relasyon ng dalawa. Maski si July mabibiktima din siya ni Lisa," ang rebelasyon naman ni Sweet sa amin. Siyempre, alam naman natin that Sweet is among the stars of the weekend shows Show Me the Manny and Showbiz Central. Naging excited siya sa magandang reception ng premiere ng Manny Pacquiao and Marian Rivera comedy. Likewise, binalita din niya sa amin that their weekend gossip show din ay may mga new things in store para sa mga manonood. "Sad that it may seem, pero malapit nang mawala ang "Don't Lie to Me". But we'll have a new segment. Involved pa rin ang sayawan and fun pa rin siya. So dapat abangan nila ‘yan," pahayag ni Sweet. "As we reach our third year, we are reformatting and introducing some segments, so dapat nilang abangan yan!" Kumuha pa kami ng mga detalye sa kanyang bagong segment, ngunit mukhang tikom ang bibig ni Sweet dito. "Siyempre hindi puwede. Baka mapre-empt tayo ng ibang shows! Basta I assure you, it will be as fun, as energetic as "Don't Lie to Me". I will still be interviewing your favorite Kapuso Stars." tugon niya. "Eto na 'yun, malapit na, I think by last week of August or by September, makikita na nila at malalaman nila ang bago kong segment sa Showbiz Central. "[Basta], ako naging excited ako when the [Showbiz Central] staff presented it to me. Tapos naki-brainstrom din ako and [I also] suggested some inputs." Pag-usapan si Sweet sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!
 
 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter