Aminado si Rochelle Pangilinan na kinakabahan siya sa kanyang pinaka bagong show, ang Show Me Da Manny, kung saan makakasama niya ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao. Is it because, nali-link siya sa Pound for Pound King?
"Nakakakaba no?!? Kinabahan ako, na-express ko naman kanina [sa press launch], nasabi ko naman na halo-halong kaba, excitement at pride, basta mas more on kinakabahan pa din," ang sagot ni Rochelle sa iGMA ng tanungin namin siya kung ano ang feeling na kasama niya si Manny Pacquiao sa sitcom na ito.
Nilinaw din niya na hindi dahil sa may issue sa kanila ni Manny kaya siya kinakabahan, kung hindi dahil sa aminado siyang hirap siyang gumawa ng comedy.
"Parang kinakabahan ako, ang kinakatakot ko pa, mabilis akong tumawa. Kasi sa drama talaga ako di ba? 'Yun 'yung problema ko talaga," ang pag-amin ni Rochelle.
Idinagdag pa niya na iniiwasan niyang maging dahilan ng pagkasira ng mga eksena kaya siya may reservations sa pagpapatawa.
"'Yun 'yung naiisip ko na kapag nagbitawan sila ng lines, ako 'yung sisira talaga [sa eksena], lalo na at lumulubo 'yung ilong kong bigla, kakapigil ng tawa. Kaya ang hirap-hirap, 'yun ang naisip ko, doon ako mahihirapan. Takot kasi akong mag-take 2!"
So, hindi naman pala siya kabado sa pagsasama nila ni Manny?
“Ay naku, isip-bata [si Manny]. Akala ko sa totoong buhay ay seryoso [siya] pero nagulat ako [dahil] kalabit dito, kalabit diyan siya. Maharot. Nakakatuwa [siya kasi] sobrang baliktad siya sa ini-expect ko.”
Pero once and for all, saan nga ba nagmula ang issue sa kanila ng Pambansang Kamao?
"Kasi natuwa nga sila sa akin noong birthday ni sir Manny," ang paliwanag ni Sexbomb Rochelle, referring to the boxer's birthday celebration in General Santos months ago where she performed for the celebrant.
Pag-usapan si Sexbomb Rochelle sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Show Me Da Manny airs every Sunday night pagkatapos ng All Star K!.
Jun 28, 2011
May biglang dumating na piloto at stewardess na hindi alam saan pupunta sa baranggay nila Ella.



