Kapuso Shows
Now Airing
Unang Hirit
Marian Rivera talks about her trip in Madrid with Dingdong Dantes
Feb 18, 2010
Dumating na sa bansa sina Marian Rivera at Dingdong Dantes matapos nilang bisitahin ang ama ng aktres sa Madrid, Spain. May nangyari kayang pamamanhikan sa kanilang biyahe? Sinabi ni entertainment reporter Audrey Carampel na dumiretso kaagad si Marian sa taping ng Show Me Da Manny nang dumating sa bansa nitong Martes kasama ang napapabalitang nobyo nito na si Dingdong mula sa Spain. starsKitang-kita ang kasiyahan kay Marian nang magkuwento tungkol sa pagkikita nila ng kanyang ama makaraan ang pitong taon. "Masarap, ang sarap ng feeling na nagkita uli kami, basta sobrang saya ko. Nang makita ko nga siya parang, papa parang ganun. Tapos nangyakapan na kami, sobrang enjoy lang talaga," ayon kay Marian sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Idinagdag ng aktres na ipinakilala na niya sa ama si Dingdong. -- GMANews.TV
 
 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter