About
Ano ang gagawin mo kung gumising ka ng isang araw to find that you're no longer in your own body—and to make it worse, nasa katawan ka ng batang ayaw na ayaw mo? ‘Yan ang mangyayari kay Miguel (Dennis Trillo) sa kuwento na ito ng SRO Cinemaserye!
Masaya si Miguel sa single-life niya—lalo pa't workaholic siyang tao. Pero nang iwan sa kanya ng kanyang kapatid ang anak nitong si EJ (Francis Magundayao), Miguel is suddenly thrust into the father role na hindi naman niya ginusto. At lalo pang gugulo ang buhay niya nang mabalitaan nilang namatay ang totoong tatay ni EJ!
Kakayanin ba ni Miguel ang maging instant daddy?
Magiging mainit ang dugo ng dalawa sa isa't isa—hanggang sa umabot ang kanilang pag-aaway sa isang aksidente. At dahil sa gulong dala ng dalawa, sila ay mabibigyan ng parusa na tiyak mag-iiwan ng leksyon sa kanila:
Miguel and EJ find themselves waking up in each other's bodies! Paano na ang workaholic life ni Miguel kung katawang bata siya? At makakalampas pa ba ang kaharutan ni EJ kung pang-matanda na ang itsura niya? At, makababalik pa ba sila sa kani-kanilang mga katawan?
Tiyak na isang nakatutuwang episode ang handog sa atin nina Direk Mac Alejandre at Jun Lana. Kasama pa sina Nadine Samonte, Ryza Cenon at Gene Padilla para magdagdag aliw sa kuwentong ito!
SRO Cinemaserye presents Exchange Gift airs Thursday nights, from December 19 to December 31, after Shining Inheritance sa GMA Telebabad.
Next on SRO Cinemaserye presents 'Exchange Gift'



