Kapuso Shows
Now Airing
Mojacko
Ang Competition Nila Enzo at Rocco
Aug 06, 2010
Simula noong Starstruck days pa lamang ay lagi nang naikukumpara si Enzo Pineda sa kasama niyang si Rocco Nacino. Bukod pa diyan ay si Rocco rin ang kasama niya sa sitcom ng GMA na Kaya ng Powers. Ano naman kaya ang reaksyon dito ni Enzo? Text by Ayessa De La Pena. Photo by Mitch Mauricio. stars“Magkapatid po [ang turingan namin],” sagot ni Enzo Pineda during the presscon ng bagong show niyang Kaya ng Powers nang tanungin siya tungkol sa turingan nila ng co-star niyang si Rocco Nacino. Madalas kasing maikumpara ang dalawang young actors. Bukod kasi sa parehong magaling sila ay silang dalawa rin ang nabibigyan ng mga bagong projects. Ngunit paglilinaw ni Enzo, nagtutulungan naman daw talaga sila ni Rocco. “Kami ni Rocco we help each other to become better,” sagot ni Enzo, “Tulad no’ng sa LoveBug, minsan nagko-comment si Rocco ng mga comments na makakatulong din sa akin. And ako tumutulong rin ako kay Rocco sa Party Pilipinas sa pagsayaw niya. Nagtutulungan po kami. Hindi po siya competition. Nagtutulungan po kami para umangat po iyong career namin.” Dagdag pa ng binata, simula daw kasi noong Starstruck ay si Rocco na ang nakakasama niya lagi, “Kung sa Starstruck ang nakakasama ko lagi sa girls si Sarah, ang nakakasama ko naman lagi sa guys si Rocco. Kung tingin po ng tao competition [iyong sa amin ni Rocco], it’s a healthy competition.” Pero iba naman ang competition nila ni Rocco dito sa Kaya ng Powers. Pareho kasi nilang gusto si Hillary, played by Rhian Ramos. “Hindi naman po sa magkaribal [kami ni Rocco]. Kanya-kanyang style. Hindi ko alam kung may mai-inlove din kay Sheena Halili. Pero naka-concentrate kami kay Rhian sa mga first episodes…kasi ang pangalan ni Rhian Hillary, si Rocco Clinton. So Clinton and Hillary. Ako naman si Noy at si Shalani si Sheena. Naging pangalan kami ng mga presidente at mga asawa nila,” paliwanag ni Enzo. Sa ngayon ay kay Hillary muna sila nanliligaw. Kahit naman daw magkapareho sila ni Rocco ng gusto sa show ay magkaiba pa rin silang dalawa dito, “Kami ni Rocco, manliligaw kami. Magkabaliktad kami ng ugali. Si Rocco is vain, mahilig siyang pumorma, metrosexual, parang chickboy. Ako naman iyong tipong walang pakialam. Naka-sando lang ako, wala akong pakialam kung ano iyong suot ko or kung ano ang tingin sa akin ng tao. Basta ginagawa ko lang kung ano’ng nararamdaman ko,” dagdag ni Enzo. Panoorin si Enzo as he plays the role of Noy sa Kaya ng Powers , which airs every Saturday after 24 Oras Weekend sa Sabado Star Power ng GMA. Pag-usapan si Enzo sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get more updates from Enzo through his Fanatxt service. Just text ENZO (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, just type GOMMS (space) ENZO (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
 
 
Related Content
Feeds
facebook
 
twitter