
Sa dami ng mga naggagandahang babae na nali-link sa kanya, napili na kaya ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica ang babae na mamahalin niya at masasabi niyang pang Together Forever na?
Kinabahan at pinagpawisan si Aljur nang makaharap niya ang Startalk TX host na si Butch Francisco last Saturday, dahil wala siyang lusot mula sa expert intrigero.
Harap-harapang itinanong ni Butch at sinagot ng Kapuso actor kung sino kina Kylie Padilla, Kris Bernal at Rachelle Ann Go ang tunay na nagpapatibok sa kanyang puso.
Ang pagbabalik ng tambalang Aljur-Kris
Kinunpirma ng Kapuso actor na totoo nga ang balitang balik-tambalan na sila ng dating ka-loveteam na si Kris Bernal. “Nae-excite na nga po ako na makatrabaho uli si Kris. Excited na rin po ako na sabihin sa lahat ng mga nanonood kung ano ‘yong proyekto na pagtatrabahuhan namin at kung kailan ito ipalalabas. Pero wala pa pong kasiguraduhan kung kailan po kami magsisimula at kung ano po ‘yong title ng proyekto namin.”
Nilinaw rin ng actor ang mga mabibigat na revelations ni Kris sa guesting nito sa last episode ng Showbiz Central, kung saan ikinuwento ng petite actress na sobrang seloso ang dating ka-loveteam. ”Well, lahat naman siguro magseselos kung importante sa kanya ‘yong tao. Sa kahit anong paraan ‘yan, at sa kahit anong pagseselos ‘yan, may mararamdaman ka talagang ganun. Siguro, kaya nasabi ni Kris ‘yon kasi palagi na lang kaming magkasama noon, at ‘pag may dumarating na iba o nanliligaw sa kanya, ‘di ko rin naiiwasan na may konting pagseselos.”
Nang tanungin kung posible ba itong madevelop kay Kris, nagkaroon ng katahimikan at tila ngiti lang ang gusto nitong isagot sa katanungan.“Hindi ko po masabi. ‘Di ko alam kasi, parang ‘di kami nag-meet eh. Kumbaga, ‘di po kami nagtapo. May time na ako ‘yong nauna na nanligaw sa kanya, tapos noong nagkaroon ng iba, at saka yata siya nagkaroon ng interes sa akin. So baka masasabi ko na baka hindi pa kami napapanahon. Alam naman ng lahat na nanligaw talaga ako kay Kris noon, pero mayroon siyang ibang nagustuhan.”
May magselos kaya kay Kris?
Dahil sa pagbabalik ng loveteam nina Aljur at Kris, ‘di naiwasang itanong ni Butch kung posible bang magselos ang nobyang si Kylie sa babae na dating nagpatibok sa puso ng actor. “Well, si Kylie sobrang understanding naman ‘yan at mabait,” nakangiting sinabi ng actor.
‘Di rin nakaligtas si Aljur sa mapanuring host nang tanungin siya nito tungkol sa awkwardness na namamagitan sa kanila ng Kapuso diva na si Rachelle Ann Go. ”Naging close kami talaga ni Ms. Rachelle, kasi noon, pag nagkikita kami simpleng hi at hello lang. Pero pagkatapos noong nagka-usap na kami tungkol sa relihiyon lalo kaming naging close. Kaya nga natatawa kami pag napapag-usapan na may ilangan factor kami eh. Kasi ‘di naman ‘yon totoo.”
Ang tunay na nagmamay-ari sa puso ni Aljur
Nang tanungin ng fearless host na si Butch kung sino nga ba ang tunay na nagpapatibok sa puso ng Kapuso hunk actor, walang halong duda at confident nitong sinagot kung sino ang queen of his heart. “Syempre si Kylie po! Kasi siya po ‘yong pinakamalapit sa akin.”
Napabilib naman ang Startalk TX host, at nakangiting sinabi nito na ibang level ang loyalty ni Aljur sa nobyang si Kylie.
Panoorin si Aljur Abrenica sa Party Pilipinas every Sunday at abangan ang kanyang special appearance sa Together Forever every Saturday, sa Sabado Star Power sa hapon ng GMA.





