Nakikilala ng mga manonood si Carl Guevara dahil sa kanyang appearance sa The Last Prince bilang si Jeric, ang mayamang resort owner na tumutulong kay Lara. Dahil dito ay hindi maiiwasan na mai-compare siya sa leading man ni Kris Bernal na si Aljur Abrenica.
But does he consider himself a threat kay Aljur career-wise?
“Sa’kin, hindi ko nakikitang ganoon. ‘Tsaka hindi ako nakikipagkumpitensya sa kanila e,” sagot ni Carl. “Sa’kin ginagawa ko yung trabaho ko. [Ginagawa ko na] magampanan ko yung role na binibigay nila sa’kin. Masaya na ako dun.”
Trabaho pa rin naman ang naging focus ng sagot ni Carl nang tanungin siya kung ano ang gagawin niya if magselos si Aljur sa kanya dahil sa mga scenes nila ni Kris.
“Sa'min naman ni Aljur trabaho lang naman yun e,” says Carl. “Siyempre may respeto naman ako kay Aljur sa loveteam nila. So alam ko naman na sila talaga yung magkaloveteam. Ayokong, hangga’t maari, ayokong maging kontrabida."
Hindi naman kinumpirma ni Carl kung sina Aljur at Kris na. But mayroon pa rin siyang revelation tungkol sa dalawa.
“Sweet sila e,” Carl shares. “Sa nakikita ko, pwede, oo. Pero hindi ako sure ha. Kasi sweet sila, sobra.”
Meanwhile, na-flatter naman siya sa mga sinasabing kamukha niya ang minsan na ring na-issue na threat kay Aljur na si Daniel Matsunaga.
“Pati mama ko [iyon ang] sinasabi e,” he says. “Okay sa’kin.”
Patuloy na mapapanood si Carl Guevara sa The Last Prince pagkatapos ng Panday Kids on GMA Telebabad.
Pag-usapan si Carl Guevara sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Mar 30, 2011
Child actress Angeli Nicole Sanoy reveals kung sino sa mga Kapuso stars ang kanyang tinitingala and why.



