Painit na ng painit ang mga eksena ng The Last Prince at excited ang mga manonood kung paano matatapos ang sumpa ni Bawana kay Almiro at Lara. Malapit na bang matapos ang love triangle nila?
"Matagal pa," ang sabi ni Aljur Abrenica. Masaya niyang binalita sa amin na na-extend ang kanilang show at mga ilang buwan pa nating mapapanood ito sa GMA Telebabad block. "Nasa week 16 pa lang yata, di pa namin na-shoot 'yung week 16, na-extend kami hanggang week 24."
Good news ito sa mga tagahanga at tagasuporta ng Al-Kris tandem dahil napabalita na ring paghihiwalayin ang dalawa sa kanilang susunod na projects. Pero, teka, hindi kaya lalong lumala ang issue sa kanila ni Bianca King dahil na-extend ang taping days nila?
"Yung sa amin ni Bianca, alam ko nag-start ‘yung issue na 'yan sa movie niyang Working Girls." Gusto daw niyang suportahan ang kanyang kasama sa trabaho kaya tinanong daw niya kung kailan ang premier night ng movie. Lalo daw siyang nagkainteres ng sabihin ni Bianca na maraming gustong makakita sa kanya sa set ng movie.
"So mas naengganyo ako. Gusto ko siyang suportahan bilang katrabaho dahil kahit ako rin, 'di ba? Mas maa-appreciate mo ‘yong tao. Kahit hindi mo sila imbitahin, sila mismo ‘yong lalapit." Pero nilinaw ni Aljur na sa mismong premier night hindi sila nagkita ni Bianca. Nag-text lang daw siya sa aktres na nanood siya at nang matapos ang movie, nagtext siya ulit para magpaalam. Kaya hindi daw talaga niya maiisip kung bakit sila iniintrigang dalawa.
Dahil dito, naapektuhan daw ang working relationship nilang dalawa. In fact nagkailangan daw sila sa set after lumabas ng issue. Hindi kaya ang dahilan kung bakit siya nailang sa aktres is totoo ang mga bali-balita?
"Since nagtanong niyo na rin yan, si Bianca kasi isa 'yan sa mga crush ko. Hindi pa ako artista noon. Tumatak kasi sa isip ko ‘yung nag-FHM yata siya noon “Ganda nito, ah.” ‘yun, doon na!"
So ano ang message niya para kay Bianca ngayong nali-link silang dalawa?
"Sana walang magbago sa amin. Sana walang magbago sa pagsasama namin. Sorry kung may lumabas na ganoong issue."
Mapapanood si Aljur at Bianca sa The Last Prince, weeknights after ng Panday Kids.
Pagusapan ang mga umiinit na eksena ng The Last Prince sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get in touch with Aljur and Bianca! Just text ALJUR (space) [Your message] or BIANCA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines. Mar 30, 2011
Child actress Angeli Nicole Sanoy reveals kung sino sa mga Kapuso stars ang kanyang tinitingala and why.



