About
Para kay Totoy, ang buhay ay isang mahabang laban.
Sa murang edad, lalabanan niya ang pagmamalupit na daranasin sa kamay ng sariling ama. Bilang magsasaka, lalabanan niya ang mga pilit na mang-aagaw sa kaniyang maliit na bukirin. Bilang isang rebelde, lalabanan niya ang sistemang nagpahintulot na mawala ang lahat ng mahalaga para sa kanya. At bilang boksingero, ipaglalaban niya ang karangalan.
Ngunit sa lahat ng paghihirap na pagdaraanan ni Totoy, isang laban ang susubok sa katatagan ng kaniyang loob, ang laban para sa kanilang pag-iibigan ni Anna.
Gaano katinding paghihirap ang kaniyang kayang tiisin? Gaano kalalaking balakid ang kaya niyang lampasan—makasama lang ang babaeng kaniyang pinakamamahal?
Ito ang pinakamatinding labang haharapin ni Totoy Bato.
Next on Totoy Bato



