Alam na ni Denise ang lahat. Para makalusot, pinalabas ni Cathy kay Edward na ginugulo siya ni Denise at gusto nitong mamatay ang dinadalang anak ni Cathy.
Nakita ni Cathy na magkayakap sina Edward at Denise at pinagbintangan niyang kabit si Denise. Sabin i Denise kay Edward, paulit-ulit na silang niloloko ng mga sinungaling kaya sana malaman niya ang totoo.
Dahil lasing na si Manny, tinanong siya ni Denise ng mga nais niyang malaman. Dito nabunyag sa kanya ni Manny na may itinatagong relasyon sina Gabby at Cathy.