GIVE ME FIVE featuring Kristoffer Martin | GMANetwork.com - Entertainment - Home of Kapuso shows and stars - Articles

At a young age, Kristoffer Martin is already earning recognition for his acting. He was named Best Supporting Actor at the 10th Golden Screen Awards and received Honorable Mention for Best Supporting Actor at the 16th Long Island Film Expo in New York. 

GIVE ME FIVE featuring Kristoffer Martin

At a young age, Kristoffer Martin is already earning recognition for his acting. He was named Best Supporting Actor at the 10th Golden Screen Awards and received Honorable Mention for Best Supporting Actor at the 16th Long Island Film Expo in New York. Know more about the young actor as he reveals his celebrity crushes, his bucket list and some of the things many do not know about him.
 
GIVE ME FIVE things we don’t know about you
 
Siguro di n'yo alam, nag-gigitara ako. Nagdru-drums din ako. Nagswi-swimming ako, as in competitive swimmer. Tapos, hindi ako kumakain ng gulay. Hindi ako kumakain ng isda.
 
GIVE ME FIVE kilig moments with Joyce Ching

Noong nanuod kami ng movie, siya nag-set ng date namin. Pinagpaalam niya ako sa parents ko, strict parents ko eh. Pangatlo, iyong sinurprise [niya] ako noong birthday ko. Pang-apat iyong anniversary namin, may ginawa siyang something. Siyempre, di ko na i-elaborate . At last, bawat araw na kasama ko siya.
 
GIVE ME FIVE qualities that makes a girl attractive
 
Mata, gusto ko kasi seducing eyes eh. Mga singkit para sa akin seducing iyong ganung mata. May ganyan si Joyce [Ching]. Iyong pagiging mabait. Pangatlo, ma-impluwensiyahan niya ako maging mabait. Pang-apat, iyong tanggap niya iyong pamilya ko. Panglima, gusto ko tanggap siya ng pamilya ko.

GIVE ME FIVE celebrity crushes
 
Sa local si Angelica Panganiban, Cristine Reyes. Pangatlo, si Angel Locsin. Sa foreign, Anne Hathaway at saka si Mila Kunis
 
GIVE ME FIVE must-haves
 
Hindi ako pwedeng umalis ng bahay na walang cellphone. Siyempre, walang brief (laughs), damit, sapatos. Last, salamin ko or contacts [kasi] malabo mata ko.
 
GIVE ME FIVE things in your bucket list
 
Makapag-scuba diving, makapunta ng New York. Ang goal ko magkaroon ng Best Actor award naman. Iyong pinaka-number one [sa bucket list] ko, go to Paris with the one I really love na alam kong papakasalan ko na.
 
For more updates on Kristoffer Martin, keep visiting www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, photos by Bochic Estrada, GMANetwork.com