Dinayo ni Sidapa ang mga diwata at ipinaliwanag sa kanila na ang tunay nilang mga kaaway ay sina Juancho at ang mga dayo. Ibinalik na rin niya sa dati ang mga diwatang napasailalim sa kanyang mentala.
Tuluyan ng namaalam ang isang diwatang kapanalig ni Malaya na si Lalahon. Si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan ang nasa likod ng pagkamatay ni Lalahon ngunit pilit nitong pinapaniwala ang iba pang mga diwata na si Malaya ang may gawa nito.
Ini-reveal na ang mga winners sa Kusina Master Cooking Showdown. Para sa culinary school, ang Most Institute ang nakakuha ng mas mataas na puntos. Samantala, para naman sa celebrity cooking showdown, hinirang si Steven Silva “Boy Chinito” bilang kauna-unahang nagwagi sa nasabing showdown.