
Matapos ang pilot airing ng bagong weekend noontime variety show na All-Out Sundays, ipinasilip naman ng cast ang behind the scenes sa ginawa nilang musical comedy segment na Tapsikret.
Sa isang video, ipinakita ni Glaiza De Castro ang kanilang paghahanda sa Tapsikret, mula sa rehearsals hanggang sa live airing ng All-Out Sundays pilot episode.
Kuwento ni Glaiza, “From rehearsal to the actual show. Dati, sinasabi ko gusto kong ma-try mag-musical kasi na-e-excite ako lagi sa bagong challenges. Sobrang saya ko nung na-discuss sa 'kin ang konsepto ng #Tapsikret.
Dagdag niya, tumaas ang respeto niya sa mga kasama niyang Kapuso stars dahil sa kanilang segment, “Bukod sa musical, comedy pa. Nagkaroon ako ng mas malalim na respeto sa mga kasama ko dito hindi lang dahil sa husay nila pero sa disiplina at dedikasyon nila. Ang dami ko pang kailangan matutunan sa comedy pero isa lang masasabi ko, hindi siya madali pero napakasaya niya! #AllOutSundays.”
Abangan ang interactive na musical comedy segment na Tapsikret sa All-Out Sundays tuwing Linggo, alas dose ng tanghali.
LOOK: Scenes from the first 'All-Out Sundays' episode
LOOK: Netizens praise the pilot episode of 'All-Out Sundays'