
Nagpakitang gilas sa nakaraang All-Out Sundays: Stay Home Party episode ang TikTok stars na sina DJ Loonyo at Ms. Everything.
Nitong April 26, nagpa-dance tutorial ang choreographer na si DJ Loonyo at nakisabay sa dance challenges sina Rayver Cruz, Mavy Gonzales, at Miguel Tanfelix.
Napakilig naman si Ms. Everything sa isang dating game kung saan nagsilbi siyang searcher. Isa sa mga tampok niyang searchees ay si DJ Loonyo na mahusay din pala sa pickup lines.
Nagwagi sa dating game si Ken Chan, na magiging ka-date ni Ms. Everything pagkatapos ng enhanced community quarantine.
Nag-perform din ang The Clash alumni ng "Rise" para sa lahat ng COVID-19 frontliners.
Panoorin: