What's on TV

Thanksgiving mall show ng 'Alyas Robin Hood,' dinagsa ng mga Kapuso

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 4:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai family mourns teen girl found dead in suitcase as Australian arrested
Limp Bizkit's Malaysia concert is the band's only Asian stop in 2026
Hannah Precillas shares how empanada business became a successful side hustle

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi pinalampas ng mga tagahanga ng hit primetime series na Alyas Robin Hood na makita ang kanilang mga iniidolo sa ginanap na thanksgiving mall show noong Biyernes, January 27.


Hindi pinalampas ng mga tagahanga ng hit primetime series na Alyas Robin Hood na makita ang kanilang mga iniidolo sa ginanap na thanksgiving mall show noong Biyernes, January 27.

 

A photo posted by Andrea Torres (@andreaetorres) on

 

Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, kasing saya rin ng fans ang cast ng naturang teleserye dahil sa suportang binibigay nito sa kanila.

"Perfect opportunity ngayon na magpasalamat. It's been six months magmula nung nag-launch kami. Hindi kami nakapag-thank you noong Pasko kaya magandang pagkakataon ngayon na kumpleto kami," pahayag ng lead star nitong si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Dagdag naman ni Megan Young, "Sobrang thankful namin sa Alyas Robin Hood na nagustuhan ng mga viewers ang konsepto ng show, storyline, ang characters."

Ayon kay Dong, marami pa raw dapat abangan sa susunod na episodes.

"Ang daming revelations, ang daming nangyayari sa bawat isa so talagang mainit na mainit na ang kaganapan."

Panoorin ang kabuoan ng interview nila dito:

Video from GMA News

MORE ON ALYAS ROBIN HOOD:

WATCH: What you've missed from 'Alyas Robin Hood's' episode on January 30

LOOK: Megan Young at Andrea Torres, nagpatalbugan sa suot nilang matching red bikinis

 

Photos by: @GMADrama(FB)