
Marami ang natuwa sa pagbabalik ni Andrea Torres sa upcoming second installment ng Alyas Robin Hood, pinagbibidahan syempre ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Ngunit, sa kabila ng maraming positive comments, hindi rin naman maiiwasan na minsan ay magkakaroon ng bashers ang aktres. Ang solusyon niya dito: "Deadma na lang talaga."
Paliwanag niya, "I think 'yun 'yung best. Hayaan mo na lang na sila 'yung nasa negative. Ikaw lagi ka lang positive, lagi ka lang happy. Basta kilala mo lang 'yung sarili mo."
Sa ngayon naman ay mas naka-focus si Andrea sa self-improvement, at syempre sa pagpapaseksi para sa role niyang si Venus.
Ika niya, "Noong natapos yung book one, ang first kong ginawa ay nag-enroll ako sa Muay Thai and boxing. So, talagang andun pa rin 'yung focus ko na talagang babalik siya. So, kailangan pagbalik ni Venus, mag-level up lahat."
Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras dito:
Video from GMA News