
Matindi ang sakripisyo ni Kapuso heartthrob Ruru Madrid para higit na mapaghusay ang kaniyang pagganap sa pagbabalik ng pinakaastig na primetime series ng GMA-7 na Alyas Robin Hood.
'WATCH: Ruru Madrid nag ala-ninja sa kaniyang Parkour training
Ipinasilip ni Ruru sa 24 Oras ang kaniyang intense parkour training na talagang physically challenging daw para sa guwapong aktor.
Ayon sa kaniya,“Yung buong legs sobrang sakit. Sa parkour kasi kailangan natin gamitin dito ‘yung buong katawan natin, full body like pag-aakyat ka magka-climb ka, siyempre gagamitin mo ‘yung buong katawan mo di ba. Like ‘yung arms mo, ‘yung buong core mo. So, kumpleto siya.”
Marami tuloy ang nagtatanong kung plano bang kumuha ng stunt double ni Ruru para sa mga action scenes niya sa highly-anticipated Kapuso teleserye.
Tugon niya, “Iba pa rin sa feeling ‘yung mapapanood mo ‘yung sarili mo na ginagawa ‘yung sarili mong stunts.”
Mga Kapuso abangan ang pagbabalik ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang si Pepe sa Alyas Robin Hood soon sa GMA Telebabad!
Photos by: rurumadrid8(IG)