
Inuulan man ng intriga at negative comments sa social media, hindi daw naisip ni Kapuso leading lady Andrea Torres na bitawan ang role niya bilang Venus sa hit primetime series na Alyas Robin Hood.
READ: Andrea Torres, may mensahe para sa bashers niya sa social media
Sa naganap na press conference ng Alyas Robin Hood nitong Miyerkules, August 9, ibinahagi ng aktres kung bakit hindi siya nagdalawang isip na ituloy ang pagbibigay buhay kay Venus.
"Mahal ko si Venus. Lagi ko ngang sinasabi, favorite ko talaga ang role na ito kasi revelation siya sa akin. Ang dami ko talagang natutunan, kasi lagi akong api-api 'di ba? So ito 'yung talagang nakakaaliw lang na parang andaming mga learnings talaga."
Inaasahan na ba niya ang lalo pang pagdami ng kanyang bashers?
"Hindi ko naman ine-expect. I'm praying na maging successful 'yung show, na 'yung support nila sa Season 1, dumoble pa. Hindi ko na iniisip 'yung bashers," kuwento niya.
Nang tanungin kung ano ang mapapanood sa pag-level up ng kanyang character, ito ang kanyang naging maiksing sagot.
"Basta kahit ano'ng nakalagay sa script, kahit ano'ng hilingin ni Direk [Dominic Zapata], gagawin ko 'yan."
Abangan si Andrea Torres sa Season 2 ng Alyas Robin Hood, simula ngayong Lunes, August 14, sa GMA Telebabad.