What's on TV

EXCLUSIVE: Edu Manzano, inaming na-miss na ang paggawa ng action films

By Michelle Caligan
Published August 14, 2017 4:32 PM PHT
Updated August 14, 2017 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firecracker-related injuries in Region 1 reach 29
Dueñas, Iloilo vice mayor's partner asked to undergo paraffin test – Iloilo police
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan si Edu Manzano sa Alyas Robin Hood simula mamayang gabi, August 14, pagkatapos ng 24 Oras.

Bukod sa pagiging magaling na dramatic actor, nakilala din bilang action star ang Kapuso actor na si Edu Manzano. Kaya hindi na nakapagtataka kung nami-miss na niya ang bumida sa action films na bihira nang ginagawa ngayon.

EXCLUSIVE: Edu Manzano, nagsimula nang mag-taping para sa sequel ng 'Alyas Robin Hood'

Sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com, ikinuwento ni Edu ang hirap na pinagdadaanan sa paggawa ng naturang klase ng pelikula.

"Isa sa mga pinakamahirap i-produce kasi is really action, be it TV or movies. Iba ang gastos kaysa sa drama, saka iba din ang oras na kinakain ng action dahil sa pagse-setup ng mga baril, mga squib, mga effects. Kung tutuusin, mas mahirap talaga i-shoot ang isang action na pelikula o teleserye. But nakakamiss talaga kasi antagal ko ring ginawa. That's why now, kakaunti lang ang nagpo-produce ng pelikulang action."

Isa pa sa matagal nang hindi nagagawa ng batikang aktor ay ang maging kontrabida, at natupad ito ngayon nang mapabilang siya sa cast ng Alyas Robin Hood bilang si Emilio.

"Ang sarap-sarap maging kontrabida. Isa sa pinakamahirap talaga is 'yung kontrabida, and malaki rin ang responsibilidad o pressure sa isang kontrabida kasi kailangan mong paguwapuhin 'yung bida," paliwanag ni Edu.

Dagdag pa niya, "It's always been important, kahit naman sa Hollywood, kailangan matindi ang kontrabida. Kami, hindi lang sarili ang iniisip, 'yung character mo lang. Dapat lahat kayo nagtatrabaho eh, parang ensemble acting just to make the scene better."

Abangan si Edu Manzano sa Alyas Robin Hood simula mamayang gabi, August 14, pagkatapos ng 24 Oras.