
Sa paglabas ng teaser ng pinaka bagong GMA Afternoon prime soap na Asawa Ko, Karibal Ko, marami ang na-excite sa bagong role na gagampanan ni Kapuso actor Jason Abalos.
WATCH: Asawa Ko, Karibal Ko: Malaking lihim | Teaser
Kung sa The One That Got Away ay lalaking-lalaki siya at pina-aagawan ng dalawang magagandang babae, dito sa kanyang bagong project ay tila kabaliktaran ang kanyang role.
Kaya naman marami sa kanyang mga taga-hanga ang hindi na makapaghintay na mapanood ang aktor muli sa telebisyon.
Makakasama ni Jason Abalos sina Thea Tolentino, Rayver Cruz at Kris Bernal sa Asawa Ko, Karibal Ko, soon on GMA Afternoon Prime.