What's on TV

EXCLUSIVE: Anong show ang naging susi para kumapal ang mukha ni Andrea Torres?

By Aedrianne Acar
Published October 16, 2017 3:20 PM PHT
Updated October 16, 2017 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel escapes NLEX, advances to Philippine Cup semis
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 25, 2025 | Balitang Bisdak
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Ito rin daw ang show na nagturo sa kanya na mas maging confident at ipakita ang wacky side niya sa mga tao.

Itinuturing na career milestone para sa Kapuso bombshell na si Andrea Torres ang mapabilang sa longest-running at multi-awarded gag show ng bansa na Bubble Gang.

Sa one-on-one interview ni Andrea with GMANetwork.com, sinabi ng aktres na malaking bagay sa showbiz career niya na mapasama sa cast ng isang show na kinalakihan niya.

Paliwanag ni Andrea, “It’s an honor to be part of the show. Lumaki kami na pinapanood ‘yung show. And pag sinabi mo talagang comedy, I think unang maiisip ng mga tao Bubble Gang talaga and si Kuya Bitoy. So were very happy and siyempre ang tagal na ng panahon na ‘yun, ilang years na ‘yun. So, at least masasabi namin sa career namin na na-achieve namin na maging part ng show na ‘to.”

Makakaasa din daw ang mga Kapuso sa mga mas malalaking surprises sa Bubble Gang sa kanilang 22nd anniversary. Lalo na at sinusubukan nilang na mas ma-improve pa ang kanilang comedic skills.

“And were looking forward to learn more para maging isang mas mabuting comedian, tina-try naten di ba? At the same time I’m sure marami pang surprises ang Bubble Gang for everyone, kasi lahat naman ng mga sketches ng Bubble Gang talagang up to date.”

Puring-puri rin ni Andrea Torres ang pinaka-leader nila sa gag show na si Michael V na hindi nagsasawa sa paggabay sa kanila.

Naniniwala din ang Kapuso actress na tinulugan siya ng Bubble Gang na mas maging confident at ipakita ang wacky side niya sa mga tao.

“Ay oo naman. Ang maganda naman dito. Si Kuya Bitoy, tinututukan kami lahat. Kahit na marami kami may time talaga siya magbigay ng comments sa bawat isa. If there’s something na kailangan mong malaman, para mas ma-improve ‘yung mga sketches mo sasabihin talaga niya sa iyo. I think dahil dito sa show na ito, kumapal ‘yung mukha ko.  ‘yung [laughs] ganun. Parang mas comfortable din ako na mas ipakita ‘yung wacky side ko.”