
Patuloy pa rin gumagawa ng ingay sa social media ang viral video ng Bubble Gang patungkol sa comedy sketch na ‘Holdapan Game Show.’
WATCH: Netizens can't get enough of the Holdapan Game Show as it hits 1M views on FB!
Umabot na sa mahigit 1.4 million views sa Facebook ang naturang sketch na ito at marami ang napabilib sa kuwelang impersonation ni Michael V sa Wowowin host na si Willie Revillame.
Kahit nga si Kuya Wil, sobrang aliw kay Kuya Wowie.
Ibinahagi ni Adrian Gret sa kaniyang Instagram Story ang reaksiyon ni Willie nang mapanood ang viral video na ito ng longest-running gag show ng bansa.