
Nakaka-LSS o Last Song Syndrome ang bagong parody na ginawa ni Michael V. para sa longest running comedy show na Bubble Gang.
Ang "Gayahin Mo Sila" ay ang parody na ginawa ng Bubble Gang mula sa hit song na "Hayaan Mo Sila" na pinasikat ng Ex Battalion. Inilabas ang video na pinagbibidahan nina Michael V. at Sef Cadayona nitong March 10 at pasok na ito sa trending list ng YouTube at may lagpas 200k views.
Tila nagkatotoo ang lyrics ng kanta na "Tingnan nyo, magvi-viral din ako. Sinasabi ko sa'yo two days lang sikat na 'to."
Ilang netizens naman ang nagpakita ng kanilang paghanga sa husay at talento ni Bitoy sa paggawa ng "Gayahin Mo Sila."