What's on TV

EXCLUSIVE: Glaiza de Castro, pressured at thankful sa pagsisimula ng 'Contessa'

By Cherry Sun
Published March 19, 2018 4:37 PM PHT
Updated March 19, 2018 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Paano nilalampasan ng 'Contessa' star na si Glaiza de Castro ang pressure sa paghalili sa timeslot ng 'Ika-6 Na Utos?' Alamin 'yan!

 

 

Aminado si Glaiza de Castro na malaki ang kailangang punan ng Contessa sa pagpalit nito sa Kapuso afternoon prime time slot ng Ika-6 Na Utos. Gayunpaman, positibo at nagpapasalamat ang aktres dahil sa panimulang tagumpay ng kanyang bagong programa.

Pahayag niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “Hindi ako magsisinungaling doon at totoong nakaka-pressure talaga siya pero I try not to think about it too much, and just focus on what I have to do and what I need to do. Kasi kapag naman maganda ‘yung binigay mo, hindi naman pwedeng hindi rin suklian ng maganda eh.”

Hindi rin naman nagkamali si Glaiza dahil mainit ang naging pagtanggap ng viewers at netizens sa pilot episode ng Contessa ngayong araw, March 19. Sa katunayan, nanguna sa trending topics ng Twitter Philippines ang #Contessa.

Unang episode ng 'Contessa,' trending kaagad!

Ani Glaiza, “Nakakatuwa na lahat ng mga pinagpuyatan namin, lahat ng mga uncertainties ngayon parang nagkakaroon ng linaw na ‘Okay, nasa tamang direction ka ngayon. Tama ‘yang ginagawa mo. Okay ‘yan, ipagpatuloy mo ‘yan.’ Parang ganun.”

“Pero syempre, umpisa palang ‘to ng lahat. Marami pa kailangan pagtrabahuhan, marami pang kailangang gawin. Mas kailangan ko maging focused sa ngayon. Mas driven [ako] sa mga napanood ko, sa mga reception ng tao na na kukuha ko,” patuloy niya.

Nagpaabot din siya ng mensahe sa kanyang fans at supporters.

“Thank you sa walang sawang pagsuporta nila sa akin, sa mga kind words and not so kind words. Sana patuloy nilang suportahan ‘yung Contessa, at magsama kami hanggang sa huli,” sambit ni Glaiza.