What's on TV

READ: Paano lumalayo sa tukso si Mark Herras?

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 13, 2017 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Chinese fighter jets directed radar at Japanese aircraft, Japan says
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Kung sa D' Originals, magpapadala ang kaniyang karakter sa tukso, papaano naman kaya naiiwasan ni Mark ang tukso sa tunay na buhay?

 

 

Kabilang si Mark Herras sa pinakabagong Kapuso dramedy series na D' Originals. Dito ay gagampanan niya si Caloy, ang house husband at asawa ni Marge (LJ Reyes). Dahil sa sobrang busy ni Marge sa trabaho, maaakit si Caloy sa kapatid ni Marge na si Cristina (Lovely Abella).

Kung sa D' Originals, magpapadala ang kaniyang karakter sa tukso, papaano naman kaya naiiwasan ni Mark ang tukso sa tunay na buhay?

"Ako, ang ginagawa ko, iniisip ko 'tsaka inaalala ko 'yung mga mawawala sa'kin kapag nagpatukso ako. Siyempre alam naman natin na 'yung tukso, nasa paligid lang 'di ba lalo na sa showbiz. Inaalala ko 'yung mga magagandang bagay na nangyari sa buhay ko bago ako gumawa ng isang mali na alam kong pagsisisihan ko balang araw," sagot ni Mark sa press conference ng kaniyang show.

Tinanong din siya ng mga press people kung mas matimbang ba para sa kaniya ang original o ang kabit.

Ani Mark, "Sa point of view ko naman, siguro kunyari may mga problema na nangyayari sa buhay ng mga magkarelasyon, eventually bumabalik ang mga lalaki doon sa original. It means na may something doon sa original na wala sa kabit so ako, masasabi ko na mas masarap at magaling mag-alaga ang original."

Abangan si Mark sa D' Originals this Monday (April 17) na!

MORE ON D' ORIGINALS:

READ: Bakit natigil sa pagiging playboy si Archie Alemania? 

Katrina Halili, magpapakita ng funny side sa 'D' Originals' 

Elyson de Dios, umani ng papuri mula kay Jaclyn Jose