
Nakapanayam ng GMANetwork.com si Lovely Abella na bibida sa panibagong Kapuso dramedy series na D' Originals. Dito ay nagkuwento ang aktres tungkol sa kaniyang karakter sa naturang show na si Marge.
Ani Lovely, "Ang character ko dito, isa akong mabait na kapatid, mapagmahal na ate na ginagawa ko lahat for my family but then, nangailangan 'yung kapatid ko na lumipat sa aming bahay. 'Di ko sinasadya na 'ma-fall' sa asawa ng kapatid ko. Dumating sa point na 'di ko na natiis, tao lang ako. Si LJ Reyes ang [gaganap na] kapatid ko at si Mark Herras ang paghahatian naming dalawa. Charot!"
Ano naman kaya ang maipapayo ni Lovely para sa sitwasyon ng karakter niyang si Marge?
"Ang mapapayo ko lang, alam naman natin na talagang mali. Pero dahil tao lang tayo, minsan kasi umiiral 'yung puso natin kaysa sa isip natin. Wala akong ma-advice sa kaniya kasi dapat alam na niya in the first place kung ano 'yung papasukin niya. Alam niya na magkakagulo silang pamilya. Ang advice ko lang, sana mag-isip muna siya," sagot ng aktres.
Kinuwento niya rin ang working relation niya sa mga co-stars na sina LJ at Mark.
"This is my first time na maka-work si LJ. Okay naman as in, parang natural lang 'yung nangyari sa'min. Si Mark naman naka-work ko na siya sa Conan, My Beautician so puro comedy at kalokohan. Sanay na sanay na kami sa [isa't isa]," pagbahagi ni Lovely.
Abangan sina Lovely, LJ, at Mark sa D' Originals ngayong Lunes (April 17) na!
MORE ON D' ORIGINALS:
READ: Paano lumalayo sa tukso si Mark Herras?
READ: Bakit natigil sa pagiging playboy si Archie Alemania?
Katrina Halili, magpapakita ng funny side sa 'D' Originals'