What's on TV

Archie Alemania, pinag-aagawan nina Kim Domingo at Meg Imperial sa 'D' Originals'

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 27, 2017 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robbers cart away over P30.7M from mall in Pavia, Iloilo
Hairstylist, nagulantang sa ginawa ng mister ng kanyang customer | GMA Integrated Newsfeed
Good News: Bisitahin ang mga destinasyon na ito sa Tanay, Rizal ngayong Kapaskuhan

Article Inside Page


Showbiz News



Magkakasama ang tatlo sa 'D'Originals' at tiyak raw na maraming sexy and kissing scenes na mapapanood sa kanila.

Sa D' Originals, pinakilala na ang magiging karibal ni Sofia sa asawa niyang si Art na si Alice.

 

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork kay Archie Alemania, tinanong namin sa kaniya kung ano ang pakiramdam na pag-aagawan siya ng naggagandahang sina Kim Domingo at Meg Imperial sa D' Originals.

"Sila dapat ang tanungin kung anong pakiramdam na si Archie Alemania ang hinahabol at pinag-aagawan nila," pabirong sagot ng aktor.

 

Walang wala eto lang nakayanan ko. Sorry sa mga nadisappoint ko sa kawalan ko ng taste pag dating sa mga babae. Ipagpatawad nyo ako po ay may sakit sa mata. Meron po akong katarata. Sorry!!! Abangan kung gagaling pako. Everyday 4:15pm sa GMA7 #doriginals

A post shared by Archie Alemania (@archiealemania) on

 

Dagdag pa ng aktor, kahit marami siyang kissing scenes kasama sina Kim at Meg, acting lang daw ito para sa kaniya, "Trabaho lang for me, ewan ko lang sa kanila kung merong malisya. [laughs]"

Ano pa kaya ang dapat naming abangan sa kwento nina Art, Sofia, and Alice?

Aniya, "Madami -- sexy scenes, new revelations at marami pang pasabog! And of course a little bit of comedy on the side."

Abangan ang nakakalokang love triangle nina Archie, Kim at Meg bawat hapon sa D' Originals!

MORE ON D' ORIGINALS:

WATCH: LJ Reyes, natutuwa sa feedback ng mga netizens sa 'D' Originals' 

WATCH: What you've missed on April 25 episode of 'D' Originals'

WATCH: What you've missed on April 24 episode of 'D' Originals'