What's on TV

WATCH: Benjamin Alves, nakatanggap ng 22 sampal at hampas mula kay Sanya Lopez sa 'Dahil Sa Pag-Ibig!'

By Felix Ilaya
Published July 16, 2019 7:57 PM PHT
Updated July 16, 2019 10:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Pinuri ng ilang netizens ang magaling na pag-arte ni Sanya Lopez sa isang intense na confrontation scene kasama si Benjamin Alves.

Trending sa second spot ng Philippines Twitter Trends ang hashtag ng Dahil Sa Pag-Ibig na #DSPGantiNiMariel

Benjamin Alves
Benjamin Alves

Nabunyag na ngayong episode ang tunay na relasyon at ang lihim nina Eldon (Benjamin Alves) at Portia (Winwyn Marquez) na sadyang kinagalit ni Mariel (Sanya Lopez).

Binahagi naman ni Sanya sa Twitter ang isang behind-the-scenes video mula sa Dahil Sa Pag-Ibig kung saan nag-react ang cast and crew ng kanilang show sa eksenang ito. Binilang pa nga nila kung ilang hampas at sampal ang tinamo ni Ben mula kay Sanya.

Hindi napigilan ng mga netizen na mag-tweet nang mapanood nila ang eksena ng kumprontasyon nina Mariel at Eldon sa Dahil Sa Pag-Ibig. Napa-tweet at napahanga sila kay Sanya dahil sa husay nito sa pag-arte.

'Wag na 'wag palampasin ang painit nang painit na mga eksena sa Dahil Sa Pag-Ibig on GMA Afternoon Prime!