What's on TV

Sanya Lopez, hanga sa working environment ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar
Published January 11, 2018 7:17 PM PHT
Updated January 11, 2018 7:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Sa panayam ng GMANetwork.com kay Sanya, bumuhos ang papuri nito sa lahat ng bumubuo sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' dahil napakagaan daw nilang lahat katrabaho.

Inaabangan na ng Kapuso viewers ang guesting nina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa high-rating weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko this January 14.

EXCLUSIVE: Sneak peek of 'Daig Kayo Ng Lola Ko' s episode this January 14

Gaganap si Sanya bilang Rapunzel na tiyak magbibigay ng ngiti at kapupulutan din ng aral.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Sanya, bumuhos ang papuri nito sa lahat ng bumubuo sa Daig Kayo Ng Lola Ko, dahil napakagaan daw nilang lahat katrabaho.

Ani Sanya, “Sobrang masaya lang, tsaka ang gaan lang sa set kasi ang babait lang ng lahat. Tapos, parang lahat nakangiti, which is ‘yun ‘yung gusto kong vibe. Every time na nagte-taping ako gusto ko lahat naka-smile para walang mainit ang ulo, which is nakita ko sa Daig Kayo Ng Lola Ko.”

Nagustuhan din niya ang version ng ginawa nilang Rapunzel at isa raw karangalan na maka-trabaho si Direk Rico Gutierrez.

Saad niya, “Sobrang maganda naman ‘yung story and inaayos din naman ni Direk Rico. Si Direk Rico kasi is kilala ko na parang ang galing niya pagdating sa cinematography."