
Ma-i-in love at aasa ang karakter ni Megan Young sa kuwentuwaan ng Dear Uge ngayong Linggo, April 16.
Matagal nang in love si Pauleen (Megan) sa kanyang baklang best friend na si Nico (Rodjun Cruz). Pareho silang swimming instructors sa isang local resort, at ito ang naglapit sa kanilang dalawa.
Masyadong sweet si Nico kay Pauleen kaya hindi maiwasan ng dalaga na mahulog ang loob sa kanya. Sa iba’t ibang pagkakataon ay feel na feel naman ni Pauleen na may pag-asa siya sa kanyang best friend na si Nico.
Paano maipapaliwanag ni Nico na wala siyang intensyong paibigin si Pauleen, at magising naman kaya si Pauleen sa katotohanan?
Huwag palampasin ang kuwentuwaang ito ngayong Linggo, April 16, sa Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya.