
Aminado si Jo Berry na kabado siya sa eksena nila ni Cherie Gil sa December 9 episode ng Dear Uge.
Binitawan kasi niya laban dito ang famous movie line ng primera kontrabida na, “You're nothing but a second-rate, trying hard copy cat.”
Tila bumaligtad ang mundo nang magtapat sa Dear Uge ang dalawang Onanay stars.
Si Jo na kasi ang nang-api kay Cherie bilang ang terror boss.
Kabilang sa kanilang confrontation scene ay ang pagbitaw ni Jo ng famous movie line ni Cherie bago ito tapunan ng wine.
Sambit ni Jo, “Sobrang kabado ako sa eksena na 'to! Sana nabigyan ko ng hustisya kahit papano. Thank you @gma_dear_uge family sa opportunity and especially kay Ms. @macherieamour.”
“Isa po ito sa pinaka-highlight ng showbiz career ko,” wika rin niya.
Panoorin ang tagpong ito sa Dear Uge: