May ilang nasorpresa nang makitang may maliit na role pala si Kapuso actor Mark Herras sa pilot episode ng highly anticipated teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours.
Si Mark kasi ang gumanap bilang Eboy, ang unang boyfriend ng karakter ni Maine na si Sinag. May halong comedy ang breakup scene ng dalawa dahil sa paghahabol ni Sinag kay Eboy, nakatapak pa siya ng dumi ng hayop.
Inalala naman ni Maine ang nakakatuwang eksena sa pamamagitan ng isang tweet.
Eboy o ebak? #DestinedToBeYoursWorldPremiere
— Maine Mendoza (@mainedcm) February 27, 2017
Biniro naman siya ni Kapuso actress Wyn Marquez, kasintahan ni Mark, na tumutok din pala sa first episode ng teleserye.
Ehhh sorry Sinag ako kasi yung "destiny" ni Eboy...konti nalang makakasama mo na yung sayo si alden este yung little boy kanina ???????? pic.twitter.com/X8guhTRSMi
— Wyn Marquez (@wynmarquez) February 27, 2017
Sumang-ayon naman si Maine kay Wyn.
@wynmarquez hahahaha ayun na nga!
— Maine Mendoza (@mainedcm) February 27, 2017
Tulad ng mga fans na kinilig nang lubos sa pagsisimula ng serye, umaasa si Wyn sa pagtatagpo nina Sinag at ng karakter ni Alden na si Benjie.
Samantala, panoorin ang unang pagkabigo ni Sinag sa pag-ibig sa high school sweetheart niyang si Eboy.
Abangan ang magkaugnay na kapalaran nina Sinag at Benjie sa Destined To Be Yours, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.
MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':
Destined To Be Yours: Destiny's promise | Full Episode 1
Destined To Be Yours: Tadhana by Denise Barbacena (Official Music Video)