Para i-celebrate ang magandang simula ng kanilang highly anticipated teleserye na Destined To Be Yours, nakipag-chat ang mga lead stars nitong sina Alden Richards at Maine Mendoza via Facebook Live sa official account ng GMA Network.
Maraming magagandang tanong ang naipadala ng kanilang mga fans.
Istrikto bang ka-love team si Alden?
Kung mabibigyan ng pagkakataon, ano ang babaguhin ni Maine sa unang pagkikita nila?
Ano ang paborito nilang body part sa isa't isa, puwera mukha?
Game na game naman itong sinagot ng dalawa na may halo ng kanilang kakaibang brand ng katatawanan.
Sumabak din sila sa ilang games at challenges na inihanda para sa kanila tulad ng gayahan ng mga photos ng isa't isa at paghula ng mga lyrics ng bandang Coldplay.
Panoorin ang kabuuan ng kanilang Facebook Live chat dito.
NOW: Benjie and Sinag are here to answer your questions! #DTBYLiveChat
Posted by GMA Network on Wednesday, March 1, 2017
Bukod sa Facebook, napanood at nakapagpadala din ng tanong kina Alden at Maine ang kanilang mga fans via @GMANetwork sa Twitter.
Para sa iba pang updates, bisitahin ang DestinedToBeYours.com.ph. Huwag ding kalimutang i-follow ang mga official social media accounts nito sa @GMADestinedToBe sa Twitter at GMADestinedToBeYours sa Facebook.
MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':
Destined To Be Yours: Destiny's promise | Full Episode 1
Destined To Be Yours: Ang pangarap ni Benjie | Full Episode 2