What's on TV

WATCH: Alden Richards, sinorpresa si Maine Mendoza sa kanilang Facebook Live Chat

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2017 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 180,000 passengers expected at PITX before Christmas week
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi maitatago ang pagkasorpresa ni Maine dahil inakala lamang niyang pupunta si Alden sa banyo during their Facebook Live Chat.

Simula pa lang ng birth month ni Maine Mendoza, sinorpresa na siya agad ni Alden Richards nang mag-guest ang Destined To Be Yours lead stars sa GMA Facebook Live Chat.

Kulitan at kilig ang hatid nina Alden at Maine nang sumalang sa kanilang Facebook live session kahapon, March 1. Sa kalagitnaan nito, iniwan ng Pambansang Bae ang kanyang love team partner. Ngunit ilang sandali pa, bumalik siya na may dala ng flowers at cake.

Hindi maitatago ang pagkasorpresa ni Maine dahil inakala lamang niyang pupunta si Alden sa banyo.

“[Akala mo] nag-CR ako? Casual na casual ba? So 'pag magsi-CR ako, kabahan ka na,” wika ng aktor sa panayam ng 24 Oras.

Hirit naman ni Maine, “'Pag ako nag-expect ah, 'pag sa barangay, ‘CR lang ako.’ ‘Nako, may surprise si Alden!'”

Ano-ano kaya ang wish niya sa kanyang 22nd birthday ngayong Biyernes, March 3?

“Sana ang success ng Destined To Be Yours. Second, sana marami akong mapuntahang countries this year, and happiness, of course,” bahagi niya.  

Video courtesy of GMA News

MORE ON ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA:

WATCH: Alden Richards and Maine Mendoza Facebook Live Chat Rewind

IN PHOTOS: The cast of 'Destined To Be Yours'

WATCH: Cast ng 'Destined To Be Yours,' inilarawan ang AlDub