Dahil hiniling n'yo, ibibigay namin!
May chance ka nang balikan ang mga episodes ng unang teleseryeng pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours.
Handog ng GMA ang Destined To Be Yours: A Beautiful Start, replay ng lahat ng episodes ng unang linggo ng serye.
Muling kiligin sa pagsisimula ng love story nina Benjie at Sinag at umibig muli sa ganda ng piksyunal na bayan ng Pelangi.
Tunghayan muli ang mga pinakapinag-usapang eksena mula sa mala-pelikulang train sequence hanggang sa makapigil-hiningang first encounter nina Sinag at Benjie sa isang hanging bridge.
Panoorin ang Destined To Be Yours: A Beautiful Start, March 5, 10:00 am sa GMA.
Bukod sa telebisyon, maaari ring mapanood ang mga nakaraang episodes online sa DestinedToBeYours.com.ph.
MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':
Destined To Be Yours: Destiny's promise | Full Episode 1
Destined To Be Yours: Ang pangarap ni Benjie | Full Episode 2
Destined To Be Yours: Sinag's soulmate | Full Episode 3