
Sa isang eksklusibong video mula sa DestinedToBeYours.com.ph, sinagot ni Pambansang Bae Alden Richards ang ilang mga katanungan tungkol sa pag-big.
Ang mga tanong ay ipinadala sa kanya ng mga netizens at fans ng GMA Telebabad show na Destined To Be Yours.
Nakatanggap si Alden ng mga tanong tungkol sa rebound relationships, second chances para sa mga ex, at pati na ideya ng trust sa pagitan ng mga magkarelasyon.
Isang netizen din ang humingi ng payo kay Alden tungkol sa kanyang longtime crush na hindi niya malapitan.
Ayon sa nagpadala ng tanong, pitong buwan na niyang kilala ang binata pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kilala nito. Bilang isang babae, nahihiya din daw siyang gumawa ng "first move."
Maganda naman ang naging payo sa kanya ni Alden.
"Kung seven months mo nang kilala 'yung crush mo at hindi ka pa rin niya kilala at ikaw ang babae, hanap ka na lang ng iba," panimula ni Alden.
Ikunumpara niya ang sitwasyon ng dalaga sa pagbili ng sapatos.
"Para lang kasi 'yang pagbili ng sapatos. May isang sapatos kang gustung gusto, pero wala nang size. Pilit mong pinagsisiksikan 'yung sapatos na 'yun sa paa mo pero hindi naman kasya," aniya.
Hinikayat niya itong maghanap ng "perfect fit" para sa kanya.
"Move on ka na lang sa susunod. Hanap ka ng ibang style na may size mo para mas perfect fit, 'di ba?" payo ni Alden.
Panoorin ang iba pang love advice ni Alden:
EXCLUSIVE: Love advice from Alden Richards by gmanetwork
Panoorin si Alden bilang Benjie, pati na ang kanyang phenomenal partner na si Maine Mendoza bilang Sinag sa Destined To Be Yours, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.
MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':
EXCLUSIVE: Ligaw tips nina Alden Richards at Dominic Roco
EXCLUSIVE: Selfie tips from Maine Mendoza and Sheena Halili