
Ipinasilip ng Dragon Lady actors na sina Janine Gutierrez, Edgar Allan Guzman, Joyce Ching, Maricar de Mesa, Julia Lee, at Aira Bermudez ang kanilang bonding sa set.
Sa isang video, mapapanood na naghamunan ang dalawang “teams” sa set, ang Team Scarlet (Janine Gutierrez) at Team Astrid (Joyce Ching).
Ani ni Maricar sa video, “Meron pa kaming pambato, hit it Sexbomb Joyce [Ching].”
Sabay hataw naman nina Joyce, Maricar, at Julia ng sayaw.
Sagot naman ng team nina Janine, “Hi, Unit Two [Team Astrid], hindi kami natatakot.”
Kahit nasa jacuzzi, hindi rin nagpatalo si Janine at Aira.
Pero si Edgar Allan ang nagwagi sa kaniyang panalong dance movies.
Aniya, “Hi, Unit Two. Kung sila nagpakabog, ako hindi.”
Panoorin ang kanilang kulitan:
Janine Gutierrez has message for 'Game of Thrones' spoilers
'Dragon Lady' makes it to Social Wit List 2019
WATCH: EA Guzman does #DalagangPilipina challenge with his celebrity crush