
Para kay Edgar Allan Guzman, ang karakter niya sa Dragon Lady bilang Goldwyn Chen ang dapat na makatuluyan ni Scarlet (Janine Gutierrez) kahit hindi siya ang main leading man nito.
Aniya, “Kasi si Goldwyn totoo 'yung nararamdaman niya for Scarlet, since day one nandoon siya kapag may problema si Scarlet nandoon siya. Maraming lalaking makakarelate diyan. Para sa akin, dapat si Goldwyn kasi karapatdapat siya, Hindi lang sarili niya iniisip niya, kasama si Scarlet sa buhay niya.”
Pero kahit sino man ang makatuluyan ni Scarlet, masaya raw si Edgar na maganda ang pagtanggap ng mga fans sa kanilang daytime drama.
“Nakakataba ng puso, nababasa ko 'yung mga comments sa YouTube sa mga replay na ina-upload ng GMA Network.
“Gusto ko magpasalamat sa mga fans ng Dragon Lady, sa pag-supporta nila sa mga characters namin.”
Dagdag ni Edgar, ikinagalak din nila ng buong Dragon Lady team na na-extend ang kanilang show. “Masaya rin ako na na-extend kami ng 8 weeks. Blessing din 'yun kasi kapag tumagal din kami at maraming supporters, masarap sa feeling.”
Ano kaya ang mga dapat abangan sa finale ng Dragon Lady? Sagot ni Edgar: Marami pa silang dapat abangan sa Dragon Lady, tulad ng saan hahantong 'yung pagmamahal ko kay Scarlet. Kung paano rin manggugulo si Michael (Tom Rodriguez).