GMA Logo bianca umali on edate mo si idol
What's on TV

Bianca Umali, naka-online date ang lalaking malapit sa kanyang lola

By Maine Aquino
Published July 6, 2020 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

bianca umali on edate mo si idol


"Natutuwa ako sa 'yo," sabi ni Bianca Umali sa napili niyang maka-date sa 'E-Date Mo Si Idol.'

Isang bagong nakakakilig na online date ang napanood sa E-Date Mo Si Idol nitong July 2.

Sa episode na ito, si Bianca Umali ang Kapuso star na humanap ng kanyang makaka-date.

Ang kanyang napili ay si Macky, ang searchee na malapit sa kanyang lola.

Pag-amin ni Bianca kay Macky, "Natutuwa ako sa 'yo kasi parehas tayo na may espesyal na puso para sa lola."

Dagdag pa ng aktres, "Nakita ko sa 'yo na sobrang simple mo lang na tao. Isa 'yun sa mga rason kung bakit ikaw ang napili ko."

Panoorin ang kanilang nakakakilig na date sa video na ito:

Gil Cuerva, naka-online date ang isang Pinay mula sa California