GMA Logo Sophie Albert
What's on TV

Sophie Albert, sinabing 'perfect' husband si Vin Abrenica

By Jimboy Napoles
Published August 22, 2023 8:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sophie Albert


Sophie Albert sa mister na si Vin Abrenica: “Hands down, he's a good man.”

Inilarawan ng celebrity mom na si Sophie Albert ang kanyang mister na si Vin Abrenica bilang isang “perfect” husband sa kanyang pagsalang sa Fast Talk with Boy Abunda.

Sa nasabing episode ng programa ngayong Martes, August 22, nakipagkuwentuhan si Sophie at ang aktres na si Max Eigenmann sa batikang TV host na si Boy Abunda.

Bukod sa kanilang upcoming series na The Missing Husband, tinanong ni Boy si Sophie tungkol sa kanyang married life kasama ang hunk actor na si Vin.

“Describe Vin bilang asawa,” tanong ni Boy kay Sophie.

Sagot ng aktres, “Perfect.”

Sa pagpapatuloy ng kanilang panayam, muling nagtanong si boy kay Sophie, “Kumusta si Vin bilang asawa?”

Ayon kay Sophie, isang mabuting asawa si Vin at wala na siya umanong ibang hahanapin pa rito.

Aniya, “He's the best. Not a lot of people know that he's just so sweet and I don't think I can think of anything else I would want in a partner.”

SILIPIN ANG GARDEN WEDDING NINA SOPHIE AT VIN DITO:

Paglalarawan pa ni Sophie kay Vin, “He's so understanding, he's so sweet, he's so affectionate, he's a good provider, and he really takes care of me and our daughter. So hands down, he's a good man.”

Pero paglalahad ng aktres, sa tagal na nang relasyon nila ni Vin, tila tapos na sila sa honeymoon stage ng kanilang relasyon pero pinipili pa rin nila ang isa't isa araw-araw.

“You know Tito Boy we've been together 10 years na kasi so feeling ko napagdaanan na namin 'yung mga time na super lovey-dovey na parang honeymoon every day. Napagdaanan na rin namin 'yung times na kapag nakikita namin 'yung isa't isa nakakairita. But in the end of the day, gusto namin buo 'yung pamilya namin and 'yun 'yung nagpapasaya sa amin,” ani Sophie.

Matapos ito, muling nagtanong si Boy kay Sophie tungkol sa marriage. Aniya, “Is love enough for you to stay within a marriage?”

“Well, I think it's the most important part of a marriage. You can't disrespect somebody that you say you love. You can't do bad things to the people you say you love. So feeling ko it's a big factor,” sagot ni Sophie.

Dagdag pa niya, “But there are so many meanings of love na kasi, so if it's the lovey-dovey honeymoon feeling, of course, it's not gonna be there forever. So it has to be the cooperation of both for love to survive.”

Pagbabahagi pa ni Sophie, sa ngayon ay wala siyang dahilan para iwan ang sinumpaang kasal nila ni Vin.

“At this point, I'm married na and I made a promise. So I don't think there is a thing that will make me walk away.”

Kumpiyansa rin umano ang aktres na hindi gagawa ng kahit ano si Vin na ikasisira ng kanilang relasyon gaya ng betrayal o cheating.

“You know I don't think Vin and I would get married if I thought there is a chance he would do it. Well you know, you'll never know, but I'm pretty sure we're gonna be okay,” anang aktres.

Unang nagkakilala sina Sophie at Vin noong 2012 sa dating reality talent search show na Artista Academy.

Naging magkarelasyon ang dalawa at ikinasal Enero ngayong taong 2023. Sila ay biniyayaan ng anak na si baby Avianna Celeste.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.