
Hindi na lang on-screen nagbibigay saya at kilig sina Thou Reyes at Muriel Lomadilla ng First Lady.
Sa Instagram, patuloy ang pagbibigay kilig nina Thou at Muriel sa mga ibinabahaging sweet photos sa likod ng kamera.
Dahil sa kakaibang chemistry, maraming netizens ang sini-ship na rin sila sa isa't isa kung saan komento ng ilan, "Bagay sila."
Sa First Lady, gumaganap si Thou bilang chief of staff ni President Glenn Acosta na si Yessey habang tagapag-alaga naman si Muriel ng mga anak ng Presidente bilang si Bevs.
Subaybayan sina Thou at Muriel sa First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, tingnan ang behind-the-scenes photos ng cast ng First Lady sa gallery na ito: