
Ngayong darating na Linggo, April 23, ay mapapanood na ang reality show na pagbibidahan ni Heart Evangelista. Makakasama ni Heart sa kanyang unang pagsubok sa Follow Your Heart ang real life couples na sina Mark Herras at Winwyn Marquez at sina Paolo Contis at LJ Reyes.
IN PHOTOS: Behind the scenes of 'Follow Your Heart'
Kuwento ni Heart sa kanyang programa, "It's a reality show. Kumbaga sasabak ang mga nag-iibigan sa show na ito sa mga kakaibang challenge. Hindi naman siya extreme pero 'yung usually na ginagawa ng ibang tao at hindi usually ginagawa ng ating mga magjowa. So mati-test talaga ang kanilang strength at ang strength ng kanilang relationship kung talaga bang susundan pa din ang kanilang puso. Ipa-follow their heart ba sila."
Dito makikita ng mga manonood ang iba't-ibang pagsubok at kung paano ito haharapin ng ating celebrity pairs.
"Ipakita natin na hindi lahat ng nag-iibigan ay perpekto. Minsan siguro mag-aaway, mag-iiyakan. Ipapakita natin sa kanila 'yung totoong kumbaga mga personalidad nila sa show."
Hindi lamang raw celebrity couples ang ating dapat pakaabangan dahil may ibang tambalan rin na mapapanood sa Follow Your Heart.
"Puwedeng magkapatid, magkaibigan. Iba-ibang tandem ito, so talagang nakakatuwa siya kasi hindi lang siya 'yung mag-boyfriend, puwede ring mag-bestfriends, puwede ring normal na tao hindi lang artista. Iba-iba."
Abangan ang Follow Your Heart ngayong Linggo, April 23, 5:00 p.m. sa GMA Network.
MORE ON FOLLOW YOUR HEART:
Heart Evangelista, ready na sa hamon ng kanyang career ngayong April 23
Mga bagong Kapuso shows na mas magpapa-init ng inyong summer ngayong 2017